
Ang pulutan na ito ay inihaw ng bahagya na pusit at ginawang kinilaw. Ito ay masarap na kinilaw na merong smokey flavor. Medyo matrabaho ang pagluto ngunit siguradong magugustuhan ng ating pamklya dahil may kasamang tender loving care. Happy cooking!
Inihaw at Kinilaw na Pusit
MGA SANGKAP:
1 Malaking pusit
1/2 tasa toyo
1/4 tasa honey
1 kutsara bawang (pinitpit at tinadtad)
1 kutsara luya (dinurog)
1 kutsara sibuyas na pula (hiniwang maliliit)
1/2 tasa suka
5 kalamansi
Green onions (hiniwang maliliit)
1 maliit na sibuyas (hiniwang manipis at maliliit)
Siling labuyo o pulang Jalapenyo (ang dami po nito ay naaayon sa kung gaano niyo gusto kaanghang)
PARAAN NG PAGLULUTO:
1. Hugasan at linisin ng mabuti ang pusit. Pagsamahin ang unang limang sangkap sa isang mangkok at hayaan mababad ang pusit ng 1 oras para kumapit ang lasa.
2. Ihawin ang pusit ng saglit at bahagya ng isang minuto. Huwag itong hayaang maluto ng husto. Kailangan lamang magkaroon ng konting bakas ng ihaw sa balat nito at pwede nang hanguin. Palamigin muna ang pusit bago hiwain ng pahaba.
3. Sa isang malaking bowl, ilagay ang hiniwang pusit at ibabad ito sa suka ng 12 minuto. Pagkatpos ay tangalin ang suka at ilagay ang kalamansi, green onions, sibuyas, luya at siling labuyo. Palamigin ito at hayaan ng dalawang oras bago isilbi. Serve and enjoy!