Lutong Bahay (Tagalog Version)

OJINGEO BOKKEUM (SPICY SQUID FILIPINO STYLE)

Loading...
OJINGEO BOKKEUM (SPICY SQUID FILIPINO STYLE)
Rate this Recipe

Photo @dahabutterfly

Ang Ojingeo Bokkeum ay isang sikat na Korean dish na ginamitan ng banana ketchup. Maanghang siya ngunit ang mga mahihilig sa spicy ay tiyak na magugustuhan ito. Try it today and enjoy!

Sangkap:

1 malaking pusit (nalinis at hiniwa sa 3 pulgada pahahaba)
4 butil ng bawang (pinitpit at hiniwa-hiwa)
1 medium sibuyas (hiniwang maninipis)
1 medium carrot (hiniwa po ng pa-diagonal)
4 na stalk green onion (hiniwa sa 2 pulgada)
1 Jalapenyo pepper o katumbas sa anghang (hiniwang maliliit)
2 – 5 siling labuyo (pinitpit lang po)
2 kutsara oyster sauce
2 kutsara pulang asukal
1 kutsarita sesame oil
1/2 tasa banana ketchup
Paminta
2 kutsarang mantika

Paraan:

Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Idagdag ang jalapenyo, siling labuyo, pulang asukal, oyster sauce at carrots.

 

Idagdag ang pusit at haluing mainam. Takpan at hayaan ng 15 minuto. Magtutubig ng bahagya ang pusit. Tanggalin ang takip at hayaan na mag-evaporate ang tubig. Ibudbud ang green onions at lagyan sesame oil. Haluin po ng mainam at ingatan na huwag dumikit sa ilalim. Ihalo ang banana ketchup at haluin ng mga 1 o 2 minuto.

Patayin ang apoy at isilbi habang mainit pa. Napakasarap na appetizer at pulutan. Masarap din i-ulam sa mainit na kanin at tiyak na mapaparami ang extra rice. Enjoy!

 

Photo

Leave a Reply