Lutong Bahay (Daily Menu) · Pancit · Pasta & Pancit · Seafood

PANCIT PUSIT

PANCIT PUSIT
Credits Ige Ramos, @zdahb27

Pancit Pusit is Caviteño noodle dish very similar to the well known pancit bihon or sotanghon (glass noodles). This Pancit Pusit differs from the regular pancit everybody else knows because or the black noodles from squid’s ink. You can cook it at home and it’s easy. Or you may also dine it at the Famous Pancit Pusit of Asiong’s Caviteño Restaurant in Silang, Cavite Philippines. Happy cooking and enjoy!

PANCIT PUSIT RECIPE

Servings: 4

INGREDIENTS:

  • 3 pirasong pusit
  • 2 kutsarang bawang, tinadtad
  • 1 sibuyas, tinadtad
  • 2 siling labuyo, alisin ang buto at hiwain ng pino
  • 2 dahon ng laurel
  • Kalahating tasa ng suka
  • 1/4 na tasa ng toyo
  • 1 kutsarang patis (fish sauce)
  • 1 tasang tubig
  • Kalahating kutsarang paminta, o kung ano ang nais
  • 400 gramo ng sotanghon, panandaliang ibabad sa malamig na tubig
  • 1 bungkos ng kinchay, hiniwa ng pino
  • 8 pirasong kamyas, hiniwa ng pabilog
  • Chicharon, dinurog


INSTRUCTIONS:

  1. Linisin ang pusit at dahan-dahang alisin ang itim na tinta nito. Isang mahabang bagay na parang plastic at ang maliit na sisidlan ng tinta nito. Ingatan na huwag itong pumutok. Ilagay ang tinta sa isang malinis na mangkok. Itapon ang lalagyan ng tinta at ang pluma.
  2. Hiwain nang pabilog ang pusit at pati na rin ang mga galamay nito sa maliliit na piraso. Hugasan muli nang mabuti at patuyuin.
  3. Magisa ng bawang, sibuyas, siling labuyo at dahon ng laurel. Gumamit ng malakas na apoy, idagdag kaagad ang pusit at igisa ng isa hanggang dalawang minuto.
  4. Ibuhos kaagad ang suka, toyo, patis at ang tinta ng pusit. Antayin kumulo at dagdagan ng isang tasang tubig. Lakasan ang apoy upang kumulo mabilis kumulo.
  5. Makaraan ang apat na minuto, hinaan ang apoy ng katamtaman at saka naman ihalo ang sotanghon. Haluin itong maigi hanggang masipsip ng sotanghon ang sabaw, o hanggang sa ito ay matuyo.
  6. Timplahan ng asin at paminta at lagyan ito ng tinadtad na kintsay at haluin maigi.
  7. Budburan ito ng dinurog na chicharon at mga hiniwang maninipis na kamyas na hugis pabilog bilang pampaasim.
  8. Mas masarap rin itong budburan ng tinustang bawang sa ibabaw.
  9. Maari na po itong ihain. Enjoy!

 

YOU MAY ALSO TRY OUR: