I-ihaw ang pusit hanggang maluto, bantayan lamang upang hindi maging makunat (2-3 minutes lamang). Tatadtarin ng maliliit.
Sa isang kawali, painitin ang kaunting mantika at butter o mantikilya. Igisa ang sibuyas at luya ng mga ilang minuto.
Idagdag ang green and red bell peppers at lutuin ng mga 2 minutes.
Ihalo ang pusit at lutuin ng mga 3 minutes. Pigaan ng calamnsi o lemon, dagdagan ng asukal at haluin. Budburan ng asin at paminta at timplahan ng naaayon sa inyong panlasa.
I-serve sa isang sizzling plate o serving plate. Enjoy!