All Kinds of Sisig · Lutong Bahay (Daily Menu)

Seafood Sisig Recipe

Seafood Sisig
Credits @nikkitarolloque

Hindi kompleto ang pulutan kung walang Sisig. Pero ang version na ito ng Sisig ay may hipon at pusit kaya naman napaka-sarap.

Seafood Sisig Recipe

INGREDIENTS:

  • 2-3 tbsp oil
  • 2 lbs squid cubes or cut into small square pieces
  • 1 lb shrimp (cleaned, deveined, chopped into pieces)
  • 1 whole red onion, minced
  • 1 medium white onion, minced
  • 2 tbsp minced ginger
  • 2 tbsp. butter
  • 4 cloves garlic (minced)
  • 1 tbsp soy sauce
  • 1 tsp. garlic powder
  • 1 tsp. black pepper
  • 1-2 tbsp mayonnaise
  • siling labuyo or siling haba, tinadtad

*Optional: Ground chicharon.

INSTRUCTIONS:

  1. Igisa muna ang hipon, at isunod naman ang 2 cloves ng bawang. Kapag nag iba na ang kulay ng hipon (pink). Isalin sa plate at isantabi muna.
  2. Sa parehas na kawali, igisa ang pusit ng 3 minuto hanggang maluto (mabilis lamang pong igisa para hindi po maging chewy). Patayin ang apoy at isantabi muna.
  3. Kung may natirang mantika sa kawali, tanggalin o magtira lamang ng kaunti, mga 1 tsp. Idagdag ang butter (medium to low heat), igisa ang pulang sibuyas hanggang maluto at maging transparent, ihalo ang luya at igisa ng mga 2 minuto. At saka muling idagdag ang pusit at hipon.
  4. Timplahan ito ng toyo, garlic powder, pepper, at haluin (stir fry) ng 2 minuto. Idagdag naman ang ground chicharon, sili at puting sibuyas. Halu-haluin ng mga 1-2 minuto. Patayin ang apoy at idagdag na ang mayonnaise.
  5. Ihanda at initin ang sizzling plate sa stove, lagyan ng 2 tsp na butter at ilagay ang ginisang seafood. Lagyan ng isang buong itlog sa gitna.
  6. Serve na may kasamang kalamansi sa gilid. Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR:

Kilawin na Bangus 

Credits