
Inihaw na pusit for the win! Kanin ba or beer ang mas gusto mo dito? Or both! May sasarap pa ba sa fresh na fresh na pusit at bagong ihaw, with matching Chili Toyomansi dipping sauce.. yummm
SWEET STYLE INIHAW NA PUSIT RECIPE
MGA SANGKAP:
- 1 kilo big pusit (squid)
- 1/2 cup honey
- 1/2 cup soy sauce
- 1/2 cup vinegar
- 1/2 cup brown sugar
- 1/2 head garlic, minced
- 1/2 tbsp. ginger, minced
- 1 tsp. hot chili pepper, minced
- 2 tsp. salt
- butter or margarine, garnish (optional)
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Hugasan at linisin maigi ang pusit, tanggalin ang itim na tinta nito. Pati na ang balat at ang lamang loob nito.
- Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng sangkap. Yung kalahati nito ilagay sa isa pang malinis na mangkok, i-marinade ninyo dito ang pusit. Mga isang oras pwede na. Yung natirang kalahati yan na yung sauce.
- I-ihaw ninyo ng mga 3 minuto sa magkabilang bahagi. Huwag i-overcook dahil magiging rubbery ang laman. Lagyan ng butter after maluto.. para sa mas katakamtakam na aroma. Siguradong magmamadali ang lahat ng kakain. Serve and enjoy!