Lutong Bahay (Tagalog Version)

SPICY BINAGOONGANG BAKA

Loading...
Spicy Binagoongang Baka, Binagoongang Beef, Binagoong, Bagoong, Shrimp Paste and Beef, Beef Recipe,
Spicy Binagoongang Baka | Photo by Lasang Pinoy

Tikman at lutuin ang napakasarap na version ng spicy binagoongan baka. Bukod po sa pork or baboy ay masarap din po ang version na ito ng binagoongan sa baka. Siguraduhing lamang na napalambot amg baka sa pamamagitan ng pagpapakulo dito sa loob ng dalawang oras. Tiyak na panalong panalo ang lulutuin mo. Mapapalaban ka talaga kumain ng maraming kanin. At maiging alternatibo para sa mga hindi maaring kumain ng baboy or binagoongang baboy.

SPICY BINAGOONGANG BAKA

Mga Sangkap:

1 kilo karne ng baka (hiwain)
2 knorr beef cubes
5 butil bawang (pinitpit at hiniwa-hiwa)
1 medium pulang sibuyas (hiwain ng maninipis)
3 medium kamatis (hiwain na pang-gisa)
1/4 tasa na bagoong
1 o 2 kutsarita asukal
1/2 kutsarita pamintang durog
tubig
mantika
Siling haba, hiniwa (optional)

Paraan ng Pagluluto:

Pakuluan at palambutin ang karne sa tubig na may knorr beef cubes ng 45 minuto sa isang pressure cooker o sa kaldero ng 2 oras sa mahinang apoy.

Pakuluan ito hangang malambot na. Kapag malambot na ang baka ay maari na itong hanguin sa tubig. Itabi muna. (Upang malaman kung talagang malambot na ang baka ay tusukin ng toothpick ang karne.)

Samantala, sa isang kawali ay magisa ng bawang, sibuyas at kamatis. Isunod naman ang bagoong at asukal.

Haluin haluin ito ng 3 minuto o hanggang sa maluto ang bagoong. At ibudbud ang paminta. Ilagay ang karne ng baka at hiniwang siling haba. Haluin itong maigi para pumantay ang lasa ng ginisang bagoong sa baka. Kung nais na maging saucy, dagdagan ng ilang kutsarang tubig at hayaan itong kumulo at lumapot ng bahagya.

Maari ng patayin ang apoy. Maghanda ng mainit na kanin. Kainan time.

Serve and enjoy!

 

 

Photo

Source: Lutong Tsamba

Facebook Comments
SPICY BINAGOONGANG BAKA
1 (20%) 1 vote

Leave a Reply