Subukan ang cookies na hindi na kailangan ng oven. Ilalagay lamang ss freezer para mag set.
Sangkap:
1 ½ tsp vanilla extract
3 beaten eggs
1 tsp vanilla extract
4 tbsp icing sugar (powdered sugar)
3 cups graham cracker crumbs
Additional graham crackers to line the bottom of the pan
¾ cup sugar
1 cup fine dried coconut
1 1/2 cups whipped cream
2 ½ cups mini marshmallow
¾ cup melted butter
Paraan:
1) Sa isang sauce pan o kaldero (medium-low heat), haluin ang ¾ melted butter, 1 ½ teaspoon of vanilla extract and ¾ sugar. Haluing mabuti, halo halo po nang manaka-naka hanggang matunaw ang asukal.
2) Kung natunaw na ang mixture, magbati ng itlog sa isang mangkok, maglagay ng konting mixture sa mangkok na may itlog upang ma temper ito upang hindi maluto habang binubuhos sa saucepan, whisk ninyo at lutuin ng mga 1 minuto. Hanguin ang saucepan sa apoy at dali daling ihalo ang graham crumbs, mini marshmallow at dried coconut.
3) Gamit ang 9X13 baking pan, lagyan ng parchment paper ang ilalim nito at pahiran ng butter/mantikilya/mantika o spray ng cooking spray.
Isalansan ang graham crackers sa baking pan na may parchment paper, pwede ninyo namang hiwain ang crackers upang magkasya ito.
4) Ngayon, spread ninyo yung mixture sa saucepan at ilagay ito sa refrigerator ng mga ilang oras o magdamag (overnight).
5) Kapag set na ang cookie, paghaluin ang whipping cream, powdered sugar at 1 tsp vanilla extract hanggang magkaron ng peaks kapag binati gamit ang hand held beater o whisk.
6) Tanggalin ang pinalamig na cookie bars at lagyan ng ginawing whipped cream. Tapos! Maari din gumamit ng Star shape cookie cutter kung meron. Pero kung wala naman ay maari itong hiwain ng square or kuwadrado.
Serve & Enjoy!