Filipino Native Food · Kakanin

Pakbol Recipe (Maranao Delicacy)

Pakbol Recipe ng Maranao
Credits @julaybeeb
Sinung may gusto ng pakbol?
Alam nyo ba kung anu ang meryendang ito?
Ito ay isang Maranao delicacy. Saging na binalot sa dinurog na kamoteng kahoy. Masarap na merienda ka-partner ng kape. 

Pakbol Recipe (Maranao Delicacy)

INGREDIENTS:
1 kilo ginayat na kamoteng kahoy
1 piling saging na saba
1 cup asukal
mantika, for deep frying

INSTRUCTIONS:
1. Gayatin ang kamoteng kahoy tanggalin ang katas nito
2. Sa isang plastic na manipis (supot hatiin sa dalawa) maglagay ng 2 kutsarang kinudkud na kamoteng kahoy
takpan ng kabilang plastic at irolyo ang kamoteng kahoy para maflat
3. Ilagay ang saging na saba at balutin ito ng naflat na kinudkud or ginayat na kamoteng kahoy.
4. Iprito sa mantika hanggang sa maging golden brown
5. Budburang ng asukal.

Serve and enjoy!