Filipino Native Food · Holiday Recipes · Kakanin

SPECIAL BIKO

Loading...
SPECIAL BIKO
4.6 (92.5%) 8 votes

Sangkap:

3 cups glutinous rice (malagkit)
1 and 1/2 cups water
1 cup brown sugar
1/2 cup white sugar
3 cups coconut milk (gata)
3/4 teaspoon salt
1 cup lightly toasted coconut flakes, sweetened
dahon ng saging/ banana leaves pahiran po ng kaunting mantika (pangsapin sa bilao or basket or serving platter/baking dish) upang hindi dumikit sa ilallim ang biko.

Paraan ng pagluluto:

1) Pagsamahin ang malagkit, tubig, brown sugar, white sugar, coconut milk at asin sa isang malaking kaldero.

2) Gamit ang medium heat, haluing maigi ang mixture hanggang matuyuan ng tubig at gata. Haluin ito hanggang ang malagkit ay malambot at luto na. Tikman lamang if wala ng lasang bigas or wala ng matigas na bigas.

3) I-transfer po natin ang nalutong malagkit sa isang lalagyan  aluminum pan or baking dish na may dahon ng saging. Pantayin maigi ang pagkakalapat ng biko.

4. Hayaan itomg lumamig, upang mag set o bahagyang tumigas ang biko.

5) Pwede ninyo na po syang lagyan ng latik or panutsa sauce.

Paraan ng pag gawa ng Sauce:

1/2 – 2/3 Panutsa (cane sugar cut into pieces) kung wala po e brown sugar na lang
1 can coconut milk

Note:

*Sa isang sauce pan ilagay po natin ang coconut milk, ihalo po natin ang tinadtad ng cane sugar or panutsa medium heat po, haluin po ng mabuti hanggang maging caramel or lumapot na po sya.

#mamasguide #mamasguidehome #happycooking

Leave a Reply