Filipino Native Food · Holiday Recipes · Kakanin

BIKO WITH PANUTSA

 
Biko with Panutsa
Credits Halo halo de iloko.balay
This Biko Recipe is special compared to other regular biko recipe you normally taste or see. Biko with Panutsa  or Latik is a native delicacy in Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Ilocos and other provinces in the Philippines (mostly with abundant sugarcane)
Panutsa (Sinakob, Panotcha, Tagapulot, Sugarcane Mollases)
Panutsa (Sinakob, Panotcha, Tagapulot, Sugarcane Molasses)
In other provinces they call it Sinakob in Pangasinan and Tagapulot in Ilocos Norte.
How to make Panutsa Sauce
How to make Panutsa Sauce

BIKO WITH PANUTSA

Sangkap:

3 cups glutinous rice (malagkit)
1 and 1/2 cups water
1 cup brown sugar
1/2 cup white sugar
3 cups coconut milk (gata)
3/4 teaspoon salt
1 cup lightly toasted coconut flakes, sweetened
dahon ng saging/ banana leaves pahiran po ng kaunting mantika (pangsapin sa bilao or basket or serving platter/baking dish) upang hindi dumikit sa ilallim ang biko.

Paraan ng pagluluto:

1) Pagsamahin ang malagkit, tubig, brown sugar, white sugar, coconut milk at asin sa isang malaking kaldero.

2) Gamit ang medium heat, haluing maigi ang mixture hanggang matuyuan ng tubig at gata. Haluin ito hanggang ang malagkit ay malambot at luto na. Tikman lamang if wala ng lasang bigas or wala ng matigas na bigas.

3) I-transfer po natin ang nalutong malagkit sa isang lalagyan  aluminum pan or baking dish na may dahon ng saging. Pantayin maigi ang pagkakalapat ng biko.

4. Hayaan itong lumamig, upang mag set o bahagyang tumigas ang biko.

5) Pwede ninyo na po siyang lagyan ng coconut flakes at Latik/panutsa sauce sa ibabaw.

Paraan ng pag gawa ng Panutsa Sauce:

1/2 – 2/3 Panutsa (hugis bao na cane sugar cut into pieces)
1 can coconut milk

Note: kung wala pong panutsa ay brown sugar na lamang.

Paraan:
Sa isang sauce pan ilagay po natin ang coconut milk, ihalo po natin ang tinadtad ng cane sugar or panutsa medium heat po, haluin po ng mabuti hanggang maging caramel or lumapot na po sya.

Kung nais naman ng mas makapal na Latik sa ibabaw katulad ng larawan ito sa ibaba. Ay lagyan ito ng mas makapal na latik at ihurno sa tradisyonal na oven. Or d kaya ay lagyan ng latang takip sa ibabaw at saka lagyan ito ng ng nagbabagang uling sa ibabaw kagaya ng pag hurno sa bibingka.

You can also try our special recipe for:

Maja Blanca with Milk Powder