
Napaka sarap ng meatballs na ito at malasa. Pwedeng i-ulam ng mga bata or pansahog sa Spaghetti or ulam.
Crispy Fried Meatballs
SANGKAP:
1 kilo ground beef
2 itlog (binati)
1/2 tasang whole milk
1 sibuyas (hiniwang maliliit at maninipis)
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang beef broth powder
1 tasang dinurog na chicharon
Salt and pepper
PARAAN NG PAGLULUTO:
1. Sa isang bowl ay paghalu-haluin ang lahat ng sangkap maliban sa giniling na baka. kanawin ng mainam. Ihalo ang karne at haluing mabuti.
2. Gumawa ng bilog na katamtamang laki (mga 1 1/2 o 2 kutsara kada isa). I-hilera ito sa isang baking pan na pinahiran ng mantika para hindi manikit.
3. Pre-heat ang oven ng 350 degree F. Kapag ayos na ay i-bake ito ng 45 minuto. Hanguin sa oven at itabi.
4. Mag-init ng konting mantika sa kawali. Linisin ang mga fat remnants sa paligid ng meatball at prituhin lahat ng bahagya. Mga 2 minuto o hanggang mag-crispy ang labas nito. Isilbi habang mainit pa. Masarap po ang ketsup na katerno sa maraming kanin.
Enjoy!
You may also try our:
Thanks for dropping by our website! Do you want to be notified with our latest recipes? Just hit “yes” on the pop up window and allow us to notify you with new recipes everyday.
Did you try cooking one of our recipe? Send us your food photo or feedback. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.