Appetizers · Pork Recipes

Kilawing Bituka at Tengang Baboy

Kilawing Bituka at Tengang Baboy
Good appetizer (or pulutan) or finger food when drinking beer or liquor. In Philippines we call it Kilawin and in english it is the famous Ceviche.
Halos magkapareho lamang po ang paraan at sangkap ng mga Kilawin recipes, bagamat dapat hindi ito niluluto, sa puntong ito ay dapat po itong lutuin upang makasiguradong malinis at makakain natin itong maigi. Kayo na po ang bahalang mag dagdag bawas sa ibang ingredients sa inyong nais at panlasa. Kayang kaya ninyo po yan basta halo halo lang at gamitin ang tancha meter taste testing.

Kilawing Bituka at Tenga ng Baboy

INGREDIENTS:
1/4 kilo bituka ng baboy
1/4 kilo tenga ng baboy
4 cloves garlic (bawang)
2-3 red chili pepper (siling labuyo)
3 kalamansi, juiced
1 cup cane vinegar (gumamit ng sukang puti para sa pangbabad)
1-inch ginger (luya), tinadtad
1 sibuyas (Tagalog), tinadtad
paminta
asin

INSTRUCTIONS:
1) Linisin maigi ang loob at labas ng bituka at tenga ng baboy.
2) Pagkatapos ay ibabad ito sa suka hanggang matakpan ito. Hayaan mababad ng ilang minuto upang mawala ang lansa at amoy.
3) Pagkatapos mababad ng ilang minuto ay pakuluan naman ito sa tubig ng 5 minuto.
4) Salain at itapon ang tubig. Linising muling maigi.
5) Hiwain ng mga 2 inches ang haba at pakuluin at i-simmer muli ng isa o dalawang oras (hanggang lumambot, kailangan bantayan ito).
6) Hiwain ng pino ang bawang, sili, luya at sibuyas.
7) Hiwain na ng pahaba ang tenga at bituka at ihalo na ang bawang, sili, luya, sibuyas, kalamansi, suka (cane vinegar), asin at paminta.
8) Tapos na po yan, pero hayaan muna manuot ang mga sangkap sa bituka bago ito ihain para mas masarap.

 

You may also try our:

Kaleskes (Dagupan’s Delicacy)

Credits @jorembinas

Thanks for dropping by our website! Do you want to be notified with our latest recipes? Just hit “yes” on the pop up window and allow us to notify you with new recipes everyday.