Filipino Recipe · Food Business · Rice

Pork Chao Fan ala Chowking Recipe

PORK CHAO FAN ALA CHOWKING
Credits @makuletster

Why not make your own Pork Chao Fan ala Chowking recipe with matching Siomai. Super easy and yummy homemade fried rice! Just look for Siomai and chili sauce recipe here in the search box. 

Pork Chao Fan ala Chowking Recipe

SANGKAP:

  • 4 cup Cooked rice
  • 1 tbsp. chopped garlic
  • 1 small shallot o sibuyas Tagalog, minced 2 Eggs
  • 1 cup diced or cubed pork
  • 1 cup repolyo, hiniwa ng maliit
  • 1/4 cup green onion, tinadtad
  • 2 tbsp Soy sauce
  • 1/2 tsp Sugar.
  • 1 tbsp. chopped garlic (another for rice)
  • 1 medium sized bell pepper, chopped finely
  • 1/4 cup carrots chopped finely
  • salt and pepper to taste
  • 1 tsp chili powder (optional)
  • 1 tsp curry powder
  • 3 tbsp. oil
  • 1 tbsp. sesame oil 

PARAAN NG PAGLULUTO:

  1. Sa isang malaki laking kawali magpa init ng mantika at igisa ang sibuyas pagkatapos ihalo ang bawang, carrots, bell pepper at repolyo. Igisa ninyo lang. Hanguin sa kawali at Itabi.
  2. Sa parehong kawali, magpa init muli ng mantika, ibuhos ang binating itlog hanggang maging scrambled egg ito at halu haluin upang mag hiwa-hiwalay at hindi buong buo. Hanguin at itabi.
  3. Sa parehong kawali, magpa init muli ng mantika, ihalo ang pork at igisa ng mga 1 to 1 1/2 minutes hanggang mag brown (medium-high heat). Hanguin at isantabi.
  4. Sa parehong kawali, mag lagay muli ng mantika igisa ang bawang, kapag mabango na ihalo ang kanin, sa isang mangkok paghaluin ang toyo at asukal, ibuhos sa ginigisang kanin at haluin ng mabuti. Ihalo na ang ginisang pork, lutuin pa ng bahagya, Budburan ng asin, paminta, chili powder (optional) at curry powder ng naaayon sa inyong panlasa. Isunod ang itlog at ihuli ang mga gulay. Ilagay at mag-drizzle ng sesame oil. Halu haluin at maari ng patayin ang apoy.
  5. Ihain sa isang malaking plato (serving plate) at budburan chopped green onion o dahon ng sibuyas. Enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR: