Filipino Native Food · Lutong Bahay (Tagalog Version)

Dinuguang Saging

Loading...
Dinuguang Saging
Rate this Recipe

Photo Courtesy of Eli Ragas

Recipe for Bloody Bananas

Sangkap:

2-3 tasa Saging na Saba (Green), hiwain ng maliliit at pakudrado

1 maliit na sibuyas, tinadtad

5 butil ng bawang, tinadtad

Mantika (or mantika ng baboy left over)

1 ¼ cup dugo ng baboy

1 cup suka

1 siling haba

1 tbsp sugar


Instructions:
Balatan ang lahat ng saging na saba at hiwain ng pakudrado (cubes)

Mag-gisa ng bawang at sibuyas sa kaunting  mantika or left over pork oil, at idagdag ang mga saging.

Idagdag ang dugo ng baboy at pakuluin ng 10 minuto sa katamtamang at mahinang apoy. Halu haluin ng bahagya.

Ibuhos ang isang tasang suka at pakuluin muli ng karagdagang 15 minutos. Huwag itong hahaluin hangat hindi kumukulo upang hindi mahilaw ang suka.

Timplahan ng isang kutsarang asukal at ilagay ang siling haba. Lagyan ng asin at paminta ng naayon sa panlasa. Haluin muli hangang sa lumapot ang sabaw.

Maari ng patayin ang apoy. Serve hot and enjoy!

 

 

Source

Photo