
(ang tawag po namin sa bisaya,.di ko po alam kung ano tawag nito sa tagalog)
Mga sangkap:
1 kilo. bigas na malagkit na tapol (violet)
1kilo. bigas na malagkit puti
Gata ng niyog ( approx.3 or 4 whole coconut) depende po sa ilang kilo ang lulutuin,.pero mas maganda madaming niyog para hindi agad madaling mapanis ang suman ninyo.
1kilo brown sugar
Luya (pampabango)
Asin (1 pinch dagdag panlasa)
Dahon ng saging, pinainitan sa apoy
Instructions:
Para sa bigas malagkit na puti at malagkit na tapol. Iluto ang puting malagkit at tapol sa magkahiwalay na kawali. Ihiwalay at huwag pagsamahin.
Lutuin ito sa gata, lagyan ng kaunting tubig, lagyan ng luya at kaunting asin. Pagkatapos, lagyan ng brown sugar hanggang sa maluto ito na parang kanin.
Para sa wrapping:
Pagnaluto na ang mga ito, hayaan muna lumamig saka babalutin sa dahon ng saging. Magkahiwalay na ilagay sa magkabilang dahon ang malagkit. Iro-role na pahaba,at pagsasamahing ilalagay sa dahon at irorolyo ang mga ito katulad po sa nakikita natin ra larawan at balutin.
Kapag nabalot na ang lahat sa dahon ng saging. Ilagay ito sa isang malaking kalderong may tubig at muling pakuluan ito hangang sa maluto.
Ready to to serve. Enjoy!
Photo and recipe shared by: Argie Isidto Barrios