Filipino Native Food · Kakanin · Lutong Bahay (Daily Menu) · Merienda · Puto Recipe · Puto Recipes

Milky Chocolate Marble Puto

Milky Chocolate Marble Puto
Milky Chocolate Marble Puto

Milky Chocolate Marble Puto

INGREDIENTS:

1 cup cake Flour
1 cup all Purpose flour
1 1/2 cup evap
1 cup sugar
1 1/2 tbsp. baking powder (I used calumet)
1/4 tsp. Baking soda (optional/kahit wala)
3 tbsp. melted Dairy Creme (or margarine or oil)
3 eggs
1 tsp. Vanilla
2 tbsp Hershey’s Cocoa Powder

INSTRUCTIONS:

Ihanda at magpakulo ng tubig sa steamer.

SIMULAN GAWIN ANG PUTO BATTER:

Salain sa isang mangkok ang cake flour, baking powder, baking soda at asukal. Ihalo ang evap ng paunti unti. Idagdag din itlog at butter hangang sa maghalo maigi ang mga sangkap. (Pero huwag sosobrahan ng halo dahil maaring masira ang texture ng iyong mixture kapag nasobrahan ng halo.)

Magbukod ng 1/2 cup puto batter para sa pang-marble batter design. At isalin ang natirang mixture sa mga puto molds na pinahiran ng mantika. About ¾ full, mag iwan ng konting allowance.

I-TIMPLA ANG MARBLE BATTER:

Kuhain ang ibinukod na ½ cup puto batter.Haluan ito ng 2 teaspoon sugar, 2 tablespoon hershey’s cocoa powder at 1 teaspoon oil. Haluin maigi hanggang maging smooth.

CHOCO MARBLE DESIGN:

Patakan ng isang kutsaritang marble batter ang puto batter na nasa puto moulder at haluin bahagya para maging marble style. Ulitin hanggang lahat ng puto mold ay malagyan ng marble design.

Maari ka ng gumawa ng ibat ibang kulay or design gamit ang recipe na ito, gumawa ng heart design, cartoon design sa puto.

LUTUIN NA ANG PUTO

Kapag kumukulo na ang tubig ng steamer ay maari mo ng isalang ang mga molde ng puto sa steamer. Huwag kaligtaan lagyan ito ng katsa or cheese cloth bago takpan ang kaldero para hindi matuluan ang mga puto ng tubig ng steamer.

Iluto ang puto at pausukan sa steamer sa loob ng 15 minuto sa mababang apoy lamang. Huwag gaanong maging excited, huwag bubuksan ang steamer hangga’t hindi naabot ang nasabing oras upang hindi mahilaw ang niluluto. Kapag oras na, tignan kung luto na puto, maari itong tusukin sa gitna gamit ang toothpick. Kapag malinis na lumabas ang toothpick ay luto na ito.

Tanggalin ang mga puto sa steamer at palamigin ng bahagya. Maari ng tangalin isa isa sa molde. Happy cooking. Enjoy!

You may also try our new recipe:

SCALLOPED POTATO AND BEEF CASSEROLE

Thank you for dropping by our website! Please subscribe to our daily recipe notifications.

Don’t forget to Pin us to PINTEREST. You can comment your question there and we’ll be glad to answer your question or feedback about the recipe.

The star ratings are for those who tried to cook our recipe. Kindly rate back the recipe if you tried it and you’re satisfied.

Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.

Credits:
Josie Kagawa
Photo: Joice Jacinto