Filipino Native Food · Kakanin · Lutong Bahay (Daily Menu) · Merienda · Puto Recipe · Puto Recipes

PUTO CAKE

Puto Cake Recipe

Super soft and immaculate white puto with pork asado filling. Maaring cheese or itlog na maalat ang ilagay sa ibabaw. Super yummy! Ang recipe na ito ay pang business recipe at maaring makagawa ng 30 pcs or more depende sa laki ng hulmahan. 

Puto Cake Recipe

INGREDIENTS:
4 cups cake flour
4 tbsp baking powder
1 ¼ cup white sugar
1 tsp vanilla flavor
2 tbsp cooking oil
2 cups water (gamit yung panukat ng dry ingredients)

Meringue:
3 egg whites (room temperature)
¼ cup white sugar
¼ tsp cream of tartar

Filling (pork asado)
½ kilogram pork giniling
1 tablespoon Oyster sauce
1 tablespoon Soy sauce
1 tablespoon Brown sugar
1 small onion, minced
3 cloves Garlic, minced
Salt and Pepper
1 Star anise
1 tsp cornstarch + little water (slurry)

PARAAN NG PAGLULUTO:
Para sa Asado Filling:
1. Sa isang kawali ay igisa ang sibuyas at bawang sa kaunting mantika gamit ang medium to high heat. Isunod ang pork giniling at hayaan itong maluto ng ilang minuto, kapag brown ng ang karne ay saka naman ito timplahan ng mga seasoning at huling idagdag ang slurry para lumapot. Isantabi at hayaan itong mag cool down.

2. Para sa Puto Cake: Sa isang mixing bowl, pagsamahin lamang ang unang set ng ingredients, cake flour, baking powder, sugar, vanilla, oil, and water. Haluin hangang sa maging smooth pero huwag i-overmix. Itabi muna

3. Gawin naman ang merengue, sa isang mixing bowl gamit ang beater. I beat ang egg whites hanggang maging medyo mabula at idagdag ang cream of tartar. Patuloy na i beat gamit ang electric beater at ilagay ng paunti unti ang sugar. Continue to beat at high speed hanggang mag double ang volume at mag stiff peak. (around 5-8 minutes). Iwasan ma-over beat dahil, mag-tutubig ito kapag nasobrahan.

4. Pagsamahin na ang unang batter na ginawa kasama ng meringue. Gumamit ng spatula at dahan dahan i-fold ang merengue evenly. Iwasan ma-deflate ang merengue. Fold mo lamang ng mahinay at huwag haluin ng paikot.

5. Maari mo na itong ilagay sa bawat puto cups na may paper liner. Lagyan ng kaunting batter at saka ilagay sa ibabaw kaunting filling, at muli itong patungan ng batter sa ibabaw.

6. Lagyan ng cheese slices sa ibabaw or manipis na hiwa ng itlog na maalat.

7. Maghanda ng steamer, at kapag kumukulo na ay saka ilagay ang steaming tray na may puto. takpan ito ng foil or cheese cloth upang hindi matuluan ng tubig. Gumamit lamang ng mababang apoy kapag naisalang na. Hayaan itong maluto ng 10-15 minutes.

8. Gumamit ng toothpick and insert sa puto para malaman kung luto na ito.

You may also try our:

Thanks for dropping by our website! Do you want to be notified with our latest recipes? Just hit “yes” on the pop up window and allow us to notify you with new recipes everyday. 

Did you try cooking one of our recipe? Send us your food photo or feedback. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.

Photos used in this recipe are © Copyright to Mama’s Guide Recipes. All Rights Reserved.