Adobo Recipes · Lutong Bahay (Tagalog Version)

HOT AND SPICY ADOBONG ATAY AT BALUNBALUNAN


Sangkap:

150 grams Chicken Liver
150 grams Chicken gizzard
50 grams Chicken Heart
5 cloves Garlic, minced
Hot Chillis, dried and crushed
2 tsp vegetable oil
1 tsp Sesame oil

1 cup Water

For marinade:
4 tbsp Tomato catsup
3 tbsp Soy Sauce

Freshly squeezed lime juice from 2 (medium fruit)
½ tbsp Hot sauce
2 tsp Sugar
Garlic powder
black pepper powder

Dahon ng Laurel

Paraan:

Sa isang mangkok, paghaluin ang tomato catsup at toyo. Ibabad sa marinade ang liver, gizzard at heart ng mga 2 hours or kumulang.

Ihiwalay ang gizzard at heart. At ipagpatuloy na i-marinate ang naiwang liver.

Sa isang kawali na may katamtamang apoy, Ibuhos ang sesame oil at vegetable oil. Igisa ang bawang at dried chilis hanggang bumango gamit and katamtamang apoy. Huwag  hayaang masunog ang bawang. Idagdag ang balunbalunan at puso. Isangkutsa lamang ng isang minuto. Idagdag ang tubig at pakuluin sa loob ng 20 minuto sa katamtamang apoy.

Lagyan ito ng ilang kutsara ng natirang marinade at mag-iwan lamang ng bahagya sa pinagbabaran o marinade ng liver. Lagyan ng ilang kutsara ng marinade. Ilagay ang dahon ng laurel at pakuluin lamang sa mababang apoy hanggang kumaunti ang sauce at bahagyang lumapot at magmantika.

Ihiwalay ang chicken liver sa marinade at idagdag ang liver sa kawali. I-sangkutsa ito at lutuin ng karagdagang isang minuto. Maari ng patayin ang apoy.

Serve and enjoy!

 

 

Source

Loading...