Lutong Bahay (Daily Menu)

LECHON KAWALI (Ang Sikreto sa Pagluluto)

LECHON KAWALI (Ang Sikreto sa Pagluluto)

Kung minsan ay nakaka-pagtaka kung bakit ang ang pagkaluto ng lechon kawali ay iba iba. Mayroong crispy at mayroon naman hindi gaanong crispy. Ang recipe na ito ang siyang makasasagot sa iyong katanungan. Paano nga ba gawing super crispy ang balat ng Lechon Kawali?

Paalala: Maghanda ng malalim na kaldero at may takip. Pagkalubog ng baboy sa mantika ay takpan ang kaldero. Tried and tested makakaiwas sa “tilamsik” kapag malalim ang kaldero ng pagprituhan.

ANG SIKRETO SA PAGLULUTO NG CRISPY LECHON KAWALI

SANGKAP:

  • 1-2 kilo baboy (pigi o liempo, isang buo)
  • 2 tasa 7-up o Sprite
  • 2 kutsara na asin
  • 5 butil na bawang (pinitpit)
  • 1 kutsara pamintang buo
  • 2 dahon ng laurel
  • Mantika (pang deep fry)
  • patis at kalamansi pamahid
  • pamintang durog

PARAAN NG PAG-LUTO:

  1. Gamit ang isang kaldero na medyo malalim, ay ilagay ang mga sangkap na baboy, sprite, asin, bawang pamintang buo at dahon ng laurel.
  2. Lagyan ng sapat tubig at pakuluin ang tubig gamit ang mataas na apoy. Antayin itong kumulo at saka takpan ang kaldero at hinaan ang apoy sa mababa sa loob ng 45 minuto.
  3. Pagkatapos ay patayin ang apoy. Hanguin ang baboy at ihiwalay sa pinakuluang tubig. Idrain ang tubig upang madaling matuyo. Ilagay sa loob ng refrigerator at palamigin ng  buong magdamag o 8 oras. (Patigasin/at patuyuin maigi ang nalutong baboy para maging crispy)
  4. Sa isang mangkok, pagsamahin ang patis at calamansi. Pahiran ang karne ng baboy ng paborito mong pampalasa.
  5. Maari na itong simulan i-deep fry sa mantika (gumamit ng malalim na kaldero) sa loob ng 15 minuto o hanggang maging sobrang lutong ng balat. Gamitan ito ng mababang apoy.
  6. Hanguin at idrain ang sobrang mantika, hayaan lumamig ng bahagya at muling ilubog sa mantika sa pangalawang pagkakataon. Mas magiging malutong ito sa pangalawang salang gamit ang mataas na apoy ngunit saglit lamang upang hindi masunog. (Double fry pero mabilis lamang ang pangalawang salang)
  7. Kapag crispy na ang balat, ay maari na itong hanguin at budbrun ng paminta powder. Chop-chopin mo na at  i-hain kasama ng lechon sauce, Jollibee gravy, or spiced vinegar na may sili. Ito po ang sikretong paraan ng mga masasarap na kainan sa metro. Enjoy!

 

YOU MAY ALSO TRY OUR: