Chicken Sprite para sa Pasko! Nais mo ba ng simpleng handa pero masarap ngayong darating na kapaskuhan at bagong taon or sa mga darating na Holiday season. Pasayahin ang pasko sa simple pero napakasarap na handa na ito. Budget holiday feast na patok sa bulsa!
CHICKEN SPRITE RECIPE
INGREDIENTS:
1 large whole chicken
1 bottle Sprite (500ml or more depending on size of pot)
1 head garlic, minced
1 large onion, minced
Pepper
3 tbsp soy sauce
3 tbsp ketchup
50 grams oyster sauce (1 sachet or 3-4 tbsp)
2 stalks tanglad (lemongrass)
3 pcs Calamansi
1 tbsp hot chili sauce (optional)
dahon ng laurel: hindi required pero pwede rin lagyan
PARAAN NG PAGLULUTO:
Hugasan maigi ang manok, patuluin or patuyuin ng bahagya ng paper towels. Pagka-tapos ay pigaan ng kalamansi at hilamusan ang buong paligid ng manok kaunting asin at paminta. Sumunod ay ilagay naman sa loob ng cavity ng manok ang binuhol na tanglad at lagyan ito ng kaunting bawang at sibuyas. (Magiwan ng kalahati para sa pakukuluang sauce)
Maghanda ng malaking kaldero, at saka ilipat ang manok sa kaldero.
Gamit ang brush o kahit kutsara. Pahiran ng pinaghalong toyo, oyster sauce, ketchup at hot chili sauce ang manok. Hayaan itong mababad ng 10-15 minutes upang manuot ang lasa.
Ilagay ang natitirang kalahati ng mga ingredients at ibuhos ang 500ML na sprite sa kaldero kasama ng manok (dagdagan ang sprite depende sa laki ng kaldero para pantay ang luto). Simulan ng i-luto ang manok at pakuluin gamit ang katamtamang apoy.
Kapag nagsimula ng kumulo, hinaan po lamang ang gamit na apoy at patuloy itong pakuluan sa loob ng isang oras. Dahan dahan baligtarin ang manok sa ika 30 mins ng pagpapakulo upang pumantay ng luto.
Patuloy itong pakuluan sa mahinang apoy hanggang sa lumapot na ang sauce ng manok at maluto itong maigi. Huwag patutuyuan ng sauce para mas lasap ang lasa at may sauce na matira.