Adobo Recipes · Chicken Recipes

Chicken Adobo de Tablea

Loading...

Ingredients:

6 pcs. tsokolate (tablea)
1 1/2 tasa mainit na tubig
½ kilomanok
1 tasa pineapple juice
1 tbsp patis
1 sibuyas, hiniwa
4 na butil ng bawang, tinadtad
2 dahon laurel
1 tsp asukal
asin at paminta

Mama’s Guide Instructions:

1. Sa isang maliit na kaserola, pakuluan ang tablea sa tubig hangang sa matunaw. Tunawin ito ng 5 minuto at ilagay sa isang lagayan. Isantabi muna.

For the Marinade:

2. Sa isang mangkok, pagsamahin ang pineapple juice, patis, paminta, bawang, asukal at asin.

3. Idagdag ang piraso ng mga manok at imarinade sa loob ng isang oras. Takpan.

4. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Isunod na ilagay ang manok (ihiwalay ang marinade sauce at isantabi muna)

5. Ibuhos ang marinade at pakuluan ng ilang minuto. Ilagay ang tinunaw na tsokolate. Pakuluan hanggang sa lumapot at maluto.

Serve and enjoy!

 

 

Source:

Chef Michael Bautista

Photo by Susan Tayag

Facebook Comments
Chicken Adobo de Tablea
3.7 (74.29%) 7 votes