No Bake Cake

Rice Cooker Chocolate Cake (Filipino Instructions)

Rice Cooker Chocolate Cake
Rice Cooker Chocolate Cake

Alam nyo ba na maari ka ng gumawa ng sarili mong Chocolate cake gamit lamang ang rice cooker. Madali lamang ito at sundan maigi ang paraan na ito sa pag gawa mg Homemade Chocolate cake na niluto sa rice cooker. Hindi kailangan ng oven mga mommies!

Rice Cooker Chocolate Cake (Filipino Instructions)

INGREDIENTS:

  • 500g Maya complete chocolate hotcake mix
  • 2 whole eggs
  • 2 cups of water
  • 3 tbsp baking powder
  • Para sa Glaze:
  • 2 small can of any condense milk
  • 2 bar/pack goya dark chocolate
  • For Garnish:
  • Chocolate Candy sprinkles (optional)
  • White chocolate coins/round and flat (optional)

INSTRUCTIONS:

  1. Sa isang malaking mangkok, haluin lng ang maya hotcake mix, itlog, tubig at baking powder.
  2. Lagyan at pahiran muna ng butter ang kaldero ng rice cooker upang hindi dumikit ang cake pagnaluto.
  3. Haluin ng bahagya ang mixture at pag well combined na, maari na itong isalin sa rice cooker.
  4. Para ka lamang nagsasaing, press COOK. Pagluto na, kusa naman tataas sa WARM ang button. Hayaan muna ng ilang minuto. Pagkatapos ay tusukin ng toothpick ang gitna mg cake. Kapag yung toothpick ay walang dumikit na cake sa gilid, ibig sabihin ay luto na ito. Pag meron dumikit sa gilid mg iyong toothpick ay hayaan muna ulit ng ilang minuto sa warm mode. Tanchahin nyo lamang at i-check. Matigas kapag na overcook. Pag ok na palamigin nyo muna bago tanggalin at itaob sa serving plate.
  5. Para sa Frosting:
  6. Sa isang pan, ilagay niyo lang yung condensed milk sa low fire lamang po. Kapag medyo uminit na tanggalin na sa apoy at saka ilagay yung isang bar/pack ng goya chocolate. Mabilis sIyang matunaw kaya kahit hindi ganun kainit ang condense milk matutunaw at matutunaw pa din ang goya chocolate.
  7. Pwede nyo po hatiin sa gitna yung cake pra sa nya ay meron kayong filling. Madami naman po yung magagawa na mixture para sa frosting kaya pwede nyo ilagay sa gitna ng cake yung sobrang glaze.
  8. Spread lang po sa ibabaw yung matitira. Tapos yung isang bar/ pack ng goya gadgarin niyo lang po at ilagay sa gilid ng cake. Or kung available amg candy sprinkles pwede rin. Ikaw na po amg bahala mag design sa ibabaw. Happy baking!


Kitchen Tip:
Maari pong gumamit ng sinulid pang hati na cake para mas madali at kontrolado ang paghahati. Kapag knife po kasi ay posibleng hindi pumantay. Hatiin lamang ang cake kapag ito ay malamig na at wala ng init.

YOU MAY ALSO TRY OUR: