Brownies & Bars · Desserts · Lutong Bahay (Tagalog Version)

BROWNIES WITH ICE CREAM RECIPE (Tagalog Version)

Loading...

Alam nyo ba na ang simpleng brownies ay maaring gawin mas nakakatakam? Ito ang sikat na dessert sa ibang bansa. Brownies with Ice cream on top na nilagyan ng Chocolate syrup or Hershey’s Syrup.

Ang Brownies with ice cream ay super sarap po na combo ng dessert at lagyan ng nag-uumapaaw na chocolate syrup. Pero paano nga ba lutuin ang Brownies with Ice cream or sa ibang bansa ang tawag nila ay Brownie ala Mode.

Simple lamang po dahil ang recipe na ito ay tinagalog upang mas madaling unawain. Enjoy po and Happy cooking!

BROWNIES WITH ICE CREAM RECIPE

Sangkap:

1/2 tasa butter
1 tasa asukal na puti
2 itlog
1 kutsarita vanilla extract
1/3 tasa unsweetened cocoa powder (Hershey po ang the best pero pwede po kahit anong brand)
1/2 tasa harina (all purpose flour)
1/4 kutsarita asin
1/4 kutsarita baking powder
mantika

Paraan ng Pagluluto:

Pre-heat po natin ang oven sa 350 deg F (275 deg C). Pahiran po natin ng mantika ang at least 8 pulgada na square pan. Wisikan po natin ng harina.

Sa isang sauce pan ay tunawin po natin ang butter o mantekilya. Patayin ang apoy ihalo lahat ng natitirang ingredients.

Kapag nahalo na po ng mainam ay ikalat po natin siya sa hinandang square pan. I-bake po natin ng 25 hanggang 30 minuto.

Bantayan lang po at huwag i-over cook. Palamagin po ng bahagya. Lagyan ng chocolate syrup at ice cream sa ibabaw. Enjoy!

 

Brownie ala Mode/ Brownies with Ice Cream
Brownie ala Mode/ Brownies with Ice Cream

 

 

 

 

 

Source:

Lutuing Tsamba

Facebook Comments
BROWNIES WITH ICE CREAM RECIPE (Tagalog Version)
1 (20%) 1 vote

Leave a Reply