
Tinutungang Manok recipe is a classic Bicolano dish where the main ingredient is Native chicken and stewed in smoky coconut milk.
What’s so special in this dish is that the grated coconut is slightly burnt before the milk is extracted, thus giving the sauce a smoky flavor. Not to mention the spicy creamy sauce. Absolutely delish, a must try authentic Bicol Delicacy!

(Native Chicken Stewed in Smoked Coconut Milk)
Tinutungang Manok Recipe ng Bicol
MGA SANGKAP:
- 1 kilo Native na Manok
- 2 pirasong Papaya (hiwang maninipis pahaba)
- 2 pirasong niyog (1 buong niyog = 50ml na mainit na tubig)
- 1 tali tanglad
- 1/2 kutsarita durog na paminta
- 1/2 kutsarita asin
- 1 piraso siling haba
- 2 piraso siling labuyo
- 4 na pirasong bawang, hiwa maliliit
- 1 buong sibuyas, hiwa pang gisa
- 1/4 kutsaritang MSG (optional)
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Sa isang kalan ay magpabaga ng 2 pirasong tipak ng uling. Isalin ang nagbabagang uling sa isang mangkok na may niyog at ilagay sa ibabaw ang nagbabagang uling upang matusta.
- Sunugin ang ilang parte ng kinayod na niyog gamit ang nagbabagang uling. Pagkatapos ay tanggalin ang mga uling.
- Buhusan ng isang tasa na maligamgam na tubig ang niyog para madaling lumabas ang gata at pigain. Ihiwalay ang unang gata, at ihiwalay din ang pangalawang gata.
- Sa isang kawali ay igisa ang manok sa bawang, sibuyas, paminta at tanglad, pag kapit na ang lasa, ilagay ng ang pangalawang gata,
- Maglagay ng asin, isunod na ilagay ang hiniwang papaya. Mag tutubig ito dahil sa hilaw na papaya. Bawasan ng kaunting sabaw ang niluluto, at hayaan maluto ang papaya.
- Ilagay ang pinaka unang pigang gata o ang kakang gata, at timplahin g ayon sa iyomg panlasa. Ilagay ang siling haba at siling labuyo. Hayaan maluto at antayin mag-mantika ang gata.
- Ilagay ang ulam sa lalagyang plato at magtira ng kaunting ulam sa nakasalang na kawali sa apoy, maglagay ng kaning lamig or bahaw, at halu haluin hanngang sa kumapit ang natirang ulam sa kanin at eto na ang tinatawag ng mga bikolano na ‘Nilino”.
- Ihain at magsalo salo. Enjoy!
YOU MAY ALSO TRY OUR:
BICOL EXPRESS RECIPE
Credits Wilson Q. Tan, Base Rodriguez