Mama's Recipes

HONEY-BUTTER-GARLIC GLAZED CHICKEN

Loading...
HONEY BUTTER GARLIC GLAZED CHICKEN
HONEY BUTTER GARLIC GLAZED CHICKEN

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Wings/Legs
6 pcs. Calamansi o 1/2 Lemon
1 cup Flour
1 cup Cornstarch
1 pc. Egg (beaten)
Salt and pepper to taste

For the sauce or glaze:
1/2 cup Melted Butter
1 head minced Garlic
1/2 cup Pure Honey Bee
2 tbsp. Tomato Catsup
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Hilamusan ang chicken wings ng asin, paminta at katas ng calamansi. Ibabad ng overnight mas mainam.
2.  Tanggalin ang chicken wings sa pinagbabarang marinade. Ibuhos ang binating itlog at balutin maiigi ng itlog ang mga manok
3. Isilid ang mga manok sa isang plastic bag o zip block at saka naman ilagay ang cornstarch at harina. Isara o ibuhol ang bag at alugin maigi ang mga manok sa loob upang kumalat ang mga harina at mabalutan ang lahat ng manok.
4.   Ihanda ang kawali at i-prito ang mga manok ng naka lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
5.   Para sa sauce/glaze: Muling gamitin ang kawali na pinagprituhan ng manok at alisin ang sobrang mantika.
6.   Magisa ng bawang sa butter hanggang sa medyo pumula ito gamit ang mababang apoy.
7.  Idagdag na ang tomato catsup, honey bee, brown sugar, salt, pepper at mga 1/2 cup na tubig.   Halu-haluin hanggang sa medyo lumapot ito.
8.   Tikman ang  sauce at i-adjust ang lasa.
9.   Ilagay sa ginawang sauce ang piniritong manok at haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na piraso ng manok.

Serve hot and enjoy!

Note:   Kung nais naman na medyo spicy, pwede nyong lagyan ng chili sauce ang sauce o glaze. Woooo ang sarap sarap naman!

Loading...

 

 

Credits:

mgalutonidennis.blogspot

Facebook Comments