Lutong Bahay (Tagalog Version)

Pesang Bangus Recipe

Loading...
Pesang Bangus
Pesang Bangus


Mga sangkap ng pesang bangus:

1 Bangus
1 Sibuyas
3 pirasong Bawang
2 pirasong patatas
2 pirasong Dahon ng Sibuyas
1 bungkos ng Pechay
¼ na baso ng Luya
1 kutsarang Patis
½ kutsarang Pamintang buo
1 kutsarang Asin
Betsin (optional)
2-3 baso ng Tubig
Mantika


Mga paghahanda:

Hugasan at linisin maigi ang hiniwang mga bangus. Ihanda ang mga sangkap at hiwain ang sibuyas, bawang, luya, at dahon ng sibuyas.

 

Pagkatapos balatan ang patatas ay hatiin ito apat. Ihanda naman ang gulay, hugasan at linisin ng mabuti ang pechay at tanggalin ang dulo.


Ang pagluluto ng pesang bangus:

Sa isang malaking kawali ay magpainit ng 2 kutsarang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Budburan ng paminta at lagyan ng kaunting patis pagkatapos ay haluin.


Ibuhos ang tubig para sa sabaw at idagdag ang patatas. Hayaan itong kumulo.


Kapag kumukulo na, ilagay ang bangus at hinaan ang apoy. Hayaang kumulo ng 10 minuto.

Loading...


Timplahan ng asin. Ilagay ang pechay at dahon ng sibuyas hayaan pang kumulo ng 3 minuto. Luto na ang Pesang Bangus!

Maari rin po kayong gumamit ng ibang klase ng isda bukod sa bangus. At pwede rin ang mga tira-tirang piritong bangus, tilapia, at iba pa. Yung iba pinipirito muna ang isda bago lagyan ng sabaw.

 

Credits:
Pulutan Recipes
Photo by louieandrew03

Facebook Comments