Korean Food · Lutong Bahay (Tagalog Version) · Pancit

Korean Chapchae (Tagalog Version)

Loading...
Korean Chapchae (Tagalog Version)
Korean Chapchae (Tagalog Version)
Korean Chapchae (Tagalog version) ito ay ang simpleng guide na madaling unawain sa pag gawa or pagluluto ng Koream Pancit na Chapchae. Masarap at siguradong magugustuhan ng buong pamilya!

Korean Chapchae (Tagalog Version)

Sangkap:
250 grams ng glass noodle
1 tasa ng toyo
1 tasa ng asukal na puti
50 grams na chicken breast fillet
1 pirasong carrot
1 pirasong puting sibuyas
2-3 piraso ng dried shitake mushrooms
½ tasa ng sesame oil
1 piraso ng nori
1 tali ng spinach
1 kutsaritang sesame seeds
1 pirasong itlog egg
1 pirasong crabstick (optional)

Paraan ng Pagluluto:

1. Ihanda ang Sauce ng Chapchae: Pagsamahin lamang ang Japanese soy sauce at asukal at haluin maigi. Isantabi muna.

2. Gumawa uli ng chap chae sauce at ibabad ang manok ng 10 hanggang 15 minuto

3. Lituin ang noodles: Sa isang kaserola ay magpakulo ng tubig at ilagay ang noodles sa loob ng 10 minuto, salain at itabi muna.

4. Lagyan or patakan ng sesame oil ang noodles at haluin maigi.

5. Ilubog ang dried mushrooms sa mainit na tubig sa loob ng 20 minuto hangang sa maging malambot ito.

6. Magtoast ng sesame seeds sa isang kawali na pinainit sa mababang apoy at isantabi muna.

7. Magluto ng scrambled eggs: magbati ng itlog at iprito, hatiin nang pahaba at itabi

8. Sa isang kawali naman ay magisa ng sibuyas at saka ilagay ang carrots, sumunod ang manok at mushroom hangang sa maluto. Isantabi muna.

9. Isalin ang noodles sa malaking kawali at idagdag ang ginawang chap chae sauce

10. Hayaan itong maluto at haluin lamang sa loob ng 5 minuto.

11. Haluin lamang hanggang sa maging pantay ang pagkakahalo.

12. Maari ng idagdag ang mga ginisang gulay at manok sa chapchae noodles

13. Serving suggestion, lagyan ang ibabaw ng noodles ng sumusunod: itlog, nori, crabsticks at sesame seeds.

Serve hot and enjoy!

You may also try our:

Pinoy Kimchi

Credits: Umagang Kay Ganda

Thanks for dropping by our website! Do you want to be notified with our latest recipes? Just hit “yes” on the pop up window and allow us to notify you with new recipes everyday. 

Did you try cooking one of our recipe? Send us your food photo or feedback. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.