Pasta

SPICY TUNA PASTA (Tagalog Version)

Loading...
SPICY TUNA PASTA
SPICY TUNA PASTA | @jccastroph

SPICY TUNA PASTA

Ingredients:
1 kilogram spaghetti noodles
3 lata tuna ihiwalay ang oil sa tuna flakes
1 latang mushroom (optional)
2 bawang tinadtad
2 sibuyas hiniwang ng maliliit
3 pirasong kalamansi (katas)
1-2 tinadtad na siling labuyo (optional)
paminta

Instructions:
1. Magpakulo ng tubig, lagyan ng konting asin

TIP: Huwag lagyan ng oil ang tubig dahil makocoat nito ang noodles at hindi masyado kakapit ang lasa ng sauce

2. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang noodles hayaan ng ilang segundo at patayin ang apoy.

TIP: Siguruhing sarado ang kaldero para hindi lumabas ang init nito at maluto ang noodles. Makakatipid pa sa kuryente o sa gas.

3. Hayaan ng ten minutes bago hanguin ang lutong pasta. I-drain at padaanan sa malamig na tubig. Itabi.

4. Gamit ang oil na galing sa tuna, igisa ang sibuyas at bawang. Ihalo ang mushrooms.Lagyan ng paminta at tinadtad na sili.

5. Ihalo ang tuna flakes lagyan ng kaunting oil mula sa tuna. Lagyan ng katas ng kalamansi.

6. Pagkulo idagdag ang pasta at haluin hayaan masipsip ng pasta ang juice ng tuna.

7. Ihain. Maaring lagyan ng grated cheese. Enjoy!

Facebook Comments
SPICY TUNA PASTA (Tagalog Version)
Rate this Recipe

Leave a Reply