This Kalderetang Manok is for any mom who wants to cook a quick meal without spending too much time tenderizing the meat. This is delicious and easy to cook!
Kalderetang Manok Recipe
SANGKAP:
- 1 kilong manok (hiniwa sa serving size)
- 3 pirasong butil ng bawang (dikdikin)
- 1 pirasong sibuyas (hiwain)
- 500 grams na tomato sauce
- 85 grams na liver spread
- 2 pirasong patatas na malaki (cube cut)
- 3 kutsarang mantika
- 2 kutsaritang patis
- 1/3 tasa ng suka
- 3 tasang tubig
- 2 pirasong bell pepper(hiniwa ng pahaba)
- 4 na pirasong siling labuyo (optional)
- asin
- paminta
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Sa isang kawali, mag init ng kaunting mantika at iprito ang patatas hanggang sa maluto. Isantabi muna.
- Gamitin muli ang kawali at mag-gisa naman ng bawang at sibuyas hangang ito ay bumango.
- Idagdag ang manok at halu-haluin kasama ng ginisang bawang at sibuyas. Hayaan itong maluto ng bahagya ng 5 minuto.
- Pagkatapos ay idagdag naman ang suka, bell pepper at tomato sauce. Pakuluin ito gamit ang katamtamang apoy.
- Magdagdag ng konting tubig at haluin mabuti. Hayaan itong kumulo hanggang sa maluto ang manok sa loob ng 30 minuto gamit ang pinakamababang apoy.
- Sumunod ay ilagay ang liver spread para lumapot ang sabaw.
- Idagdag naman ang green peas at patatas. Haluin at hayaan itong kumulo sa mahinang apoy ng 5 minuto hangang sa maluto ang patatas.
- Timplahan ng patis at paminta. Patayin ang apoy. Serve and enjoy!