Kids will definitely love this Cheesy Fish sticks recipe. Its crispy fried fish sticks with delicious cheesy creamy sauce. Happy cooking!
Cheesy Fish Stick
INGREDIENTS:
- 1/2 kilo cream dory/white fish (boneless fish, available in SM frozen section)
- 1 itlog, binate at ilagay sa mangkok
- 1 pack breading, ilagay sa plato
- 3 butil ng bawang
- 1 maliit na sibuyas
- 1 maliit na bell pepper
- 500 grams tomato sauce
- 1/4 cup asukal
- 1 piece beef broth cubes
- 2 grams basil leaves
- 1 tbs toyo
- 250 ml ng tubig
- 1 tasa ng grated cheese
- 2 grams ng paminta
- 1 pack all purpose cream (300ml)
INSTRUCTIONS:
- Fish Fillet Stick: Hiwain ng pahaba ang fish fillet. Budburan ng asin at paminta ang fillet ng isda sa tamang dami lamang.
- Ilagay sa mangkok ang binating itlog at ilubog sa itlog ang hiniwang mga fish sticks ng isa isa. Pagulungin sa harina at itaktak ng konti ang sobrang harina na kumapit.
- Sa isang maliit na kaldero or kawali, magpakulo ng sapat na mantika at i-prito ng nakalubog hanggang maging golden brown bawat fish stick. Huwag i-prito ng sabay sabay, isa or dalawa lamang per batch. Gamitan lamang ng mababang apoy kapag mainit na ang mantika.
- Pag gawa ng Sauce:
- Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at bell pepper
- Ibuhos ang tomato sauce at lagyan ng beef broth cube para magkalasa; pakuluin ng 10 minuto
- Timplahan ng asukal at toyo; haluin
- Lagyan ng 1 tasa na tubig, basil, cheese at paminta; hayaan kumulo ng 15 minuto hanggang lumapot ang sauce
- Ibuhos ang red sauce sa ibabaw ng pritong fish sticks
- Lagyan ng all purpose cream sa ibabaw at budbudan ng maraming cheese. At lagyan ng tinadtad na fresh basil. Enjoy!!!