Puto recipe na tried and tested ba ang hanap mo, recipe ng mga expert sa puto at subok na gamit pang negosyo? Ang recipe na ito ay swak na pang business at sakto ang sarap.
Palaging tandaan na ang ang pag gawa ng puto ay may fail, if may mali kang magagawa. Sundan maigi ang sangkap, dapat all fresh ingredients at huwag i-over beat ang mixture. Happy cooking!
Mama’s Puto Cheese Recipe
MGA SANGKAP:
- 2 tasa All Purpose Flour, sinala sa strainer
- 2 tbsp Baking Powder, sinala sa strainer
- 2 itlog
- 1 tbsp Vanilla Flavor, (I used McCormick)
- 1 tasa sugar
- 7 tbsp butter (Anchor)
- 3/4 tasa Evaporated Milk (6oz./180ml)
- 1 tasa ng tubig (8oz)
- Cheddar Cheese (gumamit ng eden cheese kung gusto ng medyo tunaw na keso sa puto)
*Notes on measuring Cups: Ako ay gumamit ng panukat na basehan ang US Standard Cup measurement. Dry cup lamang ang gamit sa pagsusukat at hindi ung Pitcher na panukat (unless otherwise stated).
PARAAN NG PAGLULUTO:
- Sa isang maliit na bowl, tunawin ang isang stick na butter sa microwave (30-40 seconds) or tunawin sa kalan at gumamit ng isang sauce pan. Kailangan po natin ng 7 tbsp na tunaw na butter
- Isalin ang tinunaw na butter sa isang malaking mangkok, ilagay ang 2 itlog at ½ tasa ng asukal. Gumamit at haluin ng whisk or beater. Ok lang po kahit walang electric beater.Pagkatapos ihalo na po ang 1 tasa ng evaporated milk, at kurot ng asin.
- Idagdag at ihalo ang 2 tasa ng all purpose flour at 2 tbsp ng baking powder. Haluin mabuti at idagdag ang vanilla flavor at unti unting idagdag ang 1 cup na tubig.
- Ang lapot po ng mixture natin ay dapat katulad ng sa pancake batter. Sakto lamang po ang halo at hindi dapat kulangin or sumobra sa halo para hindi mawala ang mga bubbles or hangin sa batter or mixture.
- Ginamitan ko po ng electric hand mixer kaya mabula sya. Kapag mabula po, mas magiging fluffy or maalsa ang puto.
- If gusto ng ibat-ibang flavor, hatiin ang batter sa ibat-ibang bowl/pitcher at saka lagyan ng bawat gel color at flavor.
- Dahan dahan ibuhos ang puto batter sa puto moldings. Huwag po itong pupunuin, mga 3/4 lamang ng molding. Dahil aalsa pa po ang puto. ilagay sa ibabaw ang hiniwang keso, dapat parihaba at hiniwa ng magkakasukat. Isantabi muna.
- Ihanda ang steamer, lagyan ng tubig ang ibabang bahagi ng steamer. Pakuluin.
- Kapag kumukulo na ang tubig, saka ipatong ang tray ng steamer kasama ng mga nakasalansang na puto molds na may mixture.
- Maglagay po ng puting katsa sa ibabaw (or gumamit ng foil) ng steamer at takpan para hindi matuluan ang puto ng tubig ng steamer, upang hindi mahilaw at masabawan ang puto batter.
- Steam po natin ng 15 minutes sa mababang apoy at takpan maigi. Huwag sisilipin hangat di umabot sa 15 minuto para hindi mahilaw.
- Para malaman kung luto na, tusukin ang gitna ng puto ng toothpick. Kapag walang dumikit na malagkit sa gilid ng toothpick ay luto na po ito. Tangalin sa apoy at palamigin ng ilqmg saglit bago tangalin sa molde isa isa. Serve and Enjoy po! 🙂
- Maari ka ng magtinda ng puto!
Cooking Notes: Huwag kakalimutan lagyan ng grease ang puto molder mo if hindi silicon mold ang gamit. You can buy silicon molds in Japan Home section of Sm supermarket for 88 pesos para no need to greased ang molders.
Flavor your Puto and Follow Step 6:
