
Ay ang sarap naman talaga nito, espesyal at kakaibang version ng Rellenong Bangus na may itlog na maalat at keso. Super sarap po!
Rellenong Bangus with Salted Egg and Cheese
INGREDIENTS:
1 buong bangus, deboned
¼ tasa ng toyo
½ tasa ng kalamansi juice
½ bawang
3 sibuyas
1 carrot
¼ cup ng pasas
½ cup ng red bell pepper
¼ cup ng raisins or
¼ cup pickles
¼ cup ng keso, ginadgad
2 itlog
2 itlog na maalat, sliced
Harina
Asin
Paminta
Mantika
INSTRUCTIONS:
Bumili ng bangus na deboned na sa palengke at linisin ang bangus.
Dahan dahan ihiwalay ang laman ng isda sa balat at lutuin sa pamamagitan ng pag-steam sa loob ng 30 minutes.
Tangalin sa steamer at isantabi at hayaan itong lumamig ng bahagya.Kapag malamig na ang isda ay saka ito himayin.
I-marinate ang hiniwalay na balat ng bangus sa toyo at kalamansi juice. Isantabi muna.
Samantala, mag-gisa sa kawali ng bawang, sibuyas, hinimay na laman ng bangus, carrots, raisins, red bell peppers at pickles.
Lutuin at haluin ng maigi hanggang sa maluto. Patayin ang apoy at palamigin ito ng bahagya.
Ilagay ang ginadgad na keso at binating itlog at muling haluin upang pumantay ang halo ng mixture.
Maari ng ipalaman sa loob ng balat ng bangus ang mixture at isilid din dito ang hiniwang itlog na maalat. I-seal ng sinulid at karayom ang isda.
Dahan dahan igulong ang buong isda sa kaunting harina.
Sa isang kawali ay magpainit ng mantika at iprito naman ang relyenong bangus sa loob ng 8-10 minuto at hanggang sa maluto.
Serve and enjoy!! Happy cooking
Also check out our latest recipe:
Credits: Nerissa De Lara Hernandez
Did you try cooking this recipe? Send us your food photo. If we love it, we will feature it with your name on our website. Send it to us via email: mammasguide@gmail.com or message us on our Facebook Page.
You may also post it in your own timeline publicly: Instagram, Facebook and Twitter and hashtag us #MamasGuideRecipes. Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.