Ice Cream

HOMEMADE ICE CREAM 4 IN 1 RECIPE

One of my most favorite homemade ice cream in town! You’ve got to try this recipe soon. Its a 4 in 1 Recipe of Ice Cream you can make for home business. Sell it in rectangular plastic tubs or small cups and start earning an extra money this coming summer.

Just a note though, this recipe is in Filipino language. However, if you prefer an english version, I have posted an individual recipe of Ice cream from my previous post and they’re all in English language. Just let me know if you really want an english version.

For this recipe, I prepared 4 Ice cream flavors that are surely going to sell like crazy in your neighborhood:
Coffee Crumble Ice Cream, Chocolate Grahams Ice Cream, Cookies and Cream Ice Cream and Rocky Road Ice Cream.

Ang recipe na ito ay ipinaliwanag sa Tagalog or Filipino language. Sana ay ma-enjoy mo ang recipe na ito. Happy cooking!

Yield: 1 Gallon

HOMEMADE ICE CREAM 4 IN 1 RECIPE

INGREDIENTS:

  • 2 pouch (250ml) All Purpose Cream
  • 1 can (big) Condensed Milk (any brand)
  • 1 can (big) Evaporated Milk
  • Coffee Crumble:
  • 2 sachet Nescafe Stick (5mg)
  • ¼ cup mini chocolate chips (or chopped chocolate bars)
  • Chocolate Grahams Flavor:
  • 1 Tbsp Vanilla
  • ½ cup grahams powder (or crushed)
  • Chocolate syrup, drizzle
  • Cookies and Cream Flavor:
  • 3 packs (3pcs of cookies in every pack) oreo cookies or cream-O cookies (durugin ng bahagya pero huwag masyadong pino)
  • Rocky Road Flavor:
  • ½ cup Choco frosting (i used hershey choco frosting) + 2tbsp hershey cocoa powder
  • Mini Marshmallows
  • Nuts, chopped
  • Chocolate Syrup (for drizzle)

*Maari din gumamit ng cocoa powder at tanchahin lamang ang ilalagay, o maari din gumamit ng 3-4 sachet ng Milo kung walang cocoa.

INSTRUCTIONS:

  1. Para sa Chocolate Syrup: Magtunaw ng chocolate bar sa microwave oven at lagyan ng 1-2 tbsp margarine (or puwede rin ang oil, vegetable shortening, or cocoa butter substitute). Kung wala naman microwave ay maari din tunawin ang chocolate bar sa double broiler sa kalan.
  2. Para sa mga Flavoring: I-handa ang mga ingredients na kailangan sa pag gawa ng apat na ice cream flavor. Pagkatapos magawa ang ice cream mixture ay hatiin ito sa apat na parts. (1 and ½ cup po ang laman ng bawat rectangular plastic tubs). Ikaw na po ang bahala kung ilan hati ang nais mong gawin at ilang flavors ang nais mo sa bawat lalagyan.
  3. Ilagay muna sa refrigerator ang lahat ng ingredients at palamigin sa loob ng 8hrs or overnight bago ito gamitin. (Kapag chilled ang ingredients ay mas kakapal ang volume or fluffyness ng gagawin mong ice cream mixture.)
  4. After mong palamigin ang lahat ng mga ingredients. Sa isang malaking mixing bowl ay ilagay ang lahat ng all purpose cream. I-beat ito gamit ang electric hand mixer. Kung walang hand mixer ay mano manong i-beat gamit ang wire whisk hangang sa maging creamy at mag double ang volume ng cream.
  5. At saka naman ilagay ang condensed milk ng paunti unti habang ito ay patuloy na bini-beat. Sumunod ay ilagay din ang evaporated milk ng paunti unti  habang bini-beat sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos ay maari ng hatiin at ilagay ang mga ice cream flavor.
  6. Para sa Coffee Crumble: Sa isang hiwalay na bowl ay maglagay ng 1 and ½ cup ng ice cream mixture. Ibuhos ang sachet ng coffee at i-beat hanggang sa mahalong maigi ang kape sa ice cream. Ilagay ang mga mini chocolate chips (mag-reserve ng para sa toppings). Gamit ang spatula ay dahan dahan itong i-fold ang chocolate chips sa ice cream. Dahan dahan lamang ang pag fold para fluffy pa rin ang ice cream mixture. Maari mo ng ito isalin sa plastic tubs at lagyan ng chocolate chip garnish sa ibabaw. Ayusin and decoration sa ibabaw para maging nakaka-takam sa paningin. Takpan, ilagay sa freezer at i-chill ng matagal hanggang maging frozen.
  7. Para sa Chocolate Grahams Flavor: Banlawan ang bowl na ginamit sa unang flavor. At muli itong salinan ng 1 and ½ cups ng ice cream mixture. Idagdag ang vanilla flavor at mulint i-beat hangang sa humalong maigi ang flavor sa ice cream. Maglagay ng 1st layer ng graham powder sa plastic tub or lalagyan at lagyan ng chocolate drizzle sa next layer, isalin ang vanilla ice cream mixture sa ibabaw. Lagyan ng final toppings na powdered grahams sa ibabaw at lagyan ng drizzle ng chocolate syrup. Takpan, ilagay sa freezer at i-chill ng matagal hanggang maging frozen.
  8. Para sa Cookies and Cream: Muling gamitin ang bowl na ginamit sa pangalawang flavor, at magsalin muli ng 1 and ½ cups ice cream mixture. Ilagay ang kalahati ng dinurog na cookies and cream. Haluin itong maigi gamit ang spatula. Isalin sa rectangular plastic tubs at budburan ng dinurog na cookies sa ibabaw. Takpan at ilagay sa freezer para i-chill.
  9. Para sa Rocky Road Flavor: Ibuhos ang chocolate syrup at cocoa powder sa natitirang ice cream mixture sa bowl. I-beat hanggang sa humalong maigi ang cocoa sa ice cream. Isalin sa plastic tubs at lagyan ng marshmallow, nuts at mag-drizzle ng manipis na chocolate syrup sa ibabaw. Takpan at saka ilagay sa freezer upang mag chill.

YOU MAY ALSO TRY OUR: