Asian Food · Food Negosyo Ideas · Korean Food · Lutong Bahay (Tagalog Version)

Korean Kimbap (Tagalog Version)

Loading...
Korean Kimbap (Tagalog Version)
5 (100%) 2 votes

Korean Kimbap (Tagalog Version)
Korean Kimbap (Tagalog Version)

Ang Korean Kimbap (Tagalog Version) ay super easy gawin and masarap siya! Paano nga ba gumawa ng Korean Kimbap? Madali lang, una bumili ng muna ng bamboo mat na pang-hulma ng Kimbap.

Saan nakakabili ng Bamboo Mat? Kung ikaw ay nasa Pilipinas, maraming tinda sa Lazada at Shopee online store. Magsearch ka lng ng Bamboo mat for Kimbap Set at maraming nagtitinda nito online for Cash on Delivery. Kung nasa ibang bansa ka naman ay maari kang bumili sa Amazon.

Pangalawa, bumili ng Seaweed or Nori Sheet sa major supermarket katulad ng SM supermarket at hanapin ang International Isle section ng grocery. Duon matatagpuan ang ibat- ibang produkto ng ibang bansa katulad ng Japanese, Thailand at Korean ingredients.

Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng materials at ingredients na kailangan ay pwede ka ng gumawa ng Homemade Korean Kimbap.

Maari mo rin gawin itong homebase business na siguradong patok sa pa-order ng isang bilao. Kumikitang kabuhayan pa ang iyong food trip! Sana ang munting idea na ito ay makatulong sayo. Happy cooking!

Cooking Notes: Ang mga ingredients list ay maari mong dagdagan o bawasan sa ninanais mo or kung anung meron available sa iyong pantry.

Ang iba ay optional lamang pero mas masarap po ito kung mas maraming variety. Puwede rin 3 varieties lang ang piliin mong ingredients.

KOREAN KIMBAP (Tagalog Version)

Servings: 2 roll

INGREDIENTS:

2 seaweed sheet (Nori)
2 cups kimbap rice (recipe below)
2 long slice of cucumber, thin strips
½ carrot, (very thin strips)
1 imitation crab stick, choose the long one, slice in 4
2 long slice of scrambled egg
4 slices of ham (any ham, meatloaf, spam, or any left over meat, adobo, tuna flakes or BBQ)
½ tsp sesame oil
Toasted sesame seeds

Optional:
1 long slice of yellow pickled radish, hiwain ng maninipis (Danmuji), optional

Spinach (pwede rin kangkong) – i half cook sa pinakuluang tubig na may asin, salain sa tubig at tuyuin maigi sa tubig. Hiwain ng maninipis at pahaba.

For Kimbap Rice:
2 cup rice, warm to room temp
1 tsp sesame oil
1 tsp salt
*Combine in a small bowl until evenly mixed. Set aside.


INSTRUCTIONS:

Ihanda ang scrambled eggs at iluto. Hiwain ng maninipis at parihaba. Isantabi.

Sa pina-init na pan at mantika, bahagyang iluto muna isa isa ang ham, crab stick at carrots ng isang minuto bawat isa. Tanggalin sa mantika at ilagay sa paper towels. Isantabi.

Gamit ang bamboo mat, mag latag ng seaweed sheet (shiny side down) sa ibabaw ng bamboo mat.

Sa ibabaw nito ay i-spread din ang natimplang kanin (kimbap rice) sa buong square ng seaweed sheet. Nipisan lang para hindi umapaw kapag nirolyo.

Mag-iwan ng palugit na 2-inch sa dulo.  I-helera ang mga gulay at karne sa ibabaw ng tag isa-isa at magkakasunod.

Ibalot at dahan dahan irolyo at i-compress ng konti para kumapit ang mga ingredients at mahulma ito. Pahiran ang dulo ng seaweed sheet ng konting tubig para dumikit ang dulo at mag seal. Tanggalin sa bamboo mat. Ulitin ang same procedure sa pangalawang set ng nori or kimbap.

Lagyan ng konting sesame oil or coating ang mga rolyo para kumintab ng konti ang seaweed at magka flavor.

Hiwain ang mga rolls ng mga 1 inch ang kapal or sa ninanais na bite size. Budburan ng konting sesame seeds.

Serve and enjoy!