Beef Recipes · Filipino Recipe · Lutong Bahay (Daily Menu)

BEEF PARES (TAGALOG VERSION)

BEEF PARES (TAGALOG VERSION)

Super sarap po ng Beef Pares Recipe (Tagalog Version) na ito, ginamitan ko ng breakfast steak at napalambot ko siya in just 1-1/2 hour. Halos natutunaw na ang baka kapag nginuya mo.

Iyan po ang sikreto ng masarap na beef recipe. Nasa lambot po ng baka, kahit gaano man kasarap ang timpla ngunit matigas pa ang laman ay hindi pa rin ito masarap.

BEEF PARES (TAGALOG VERSION)


MGA SANGKAP:

1 kilogram beef (I used breakfast steak)
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tsp. Five Spice Powder (ngohiong powder)
⅓ cup Soy Sauce
4 tbsp Rice vinegar
½ cup Brown Sugar
1 head Garlic, minced (10 cloves)
2 medium white onion (sliced)
2 thumb-sized Ginger, peeled and sliced
½ cup Cornstarch + dissolved ½ cup cold water (slurry)
1 tsp Pepper powder
Salt to taste
Spring Onion
½ cup Cooking Oil
5 cups water
2 ½ cups hot water

Note: Maari ka rin gumamit ng beef brisket, or sirloin steak. Gumamit ako ng Breakfast steak dahil ito ang pinaka maayos na quality na nabili ko sa SM at madalas kong gamitin sa iba kong lutuin.

PARAAN NG PAGLULUTO:


1.   Sa isang malalim na kaserola, tustahin ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Tanggalin sa mantika at isalin sa maliit na mangkok.

2.  Sumunod ay iprito naman ang karne ng baka at hayaang itong maging brown ng kaunti at mawala ang pamumula. Tangalin ang sobrang mantika.

3.  Ibuhos ang 5 tasa ng tubig sa baka at hayaan itong kumulo gamit ang mataas na apoy.

4.   Kapag kumukulo na ay ilagay na ang sibuyas, luya, asin, paminta, five spice powder, rice vinegar, star anise at dahon ng laurel. Takpan muli at hayaang kumulo gamit ang mababang apoy sa loob ng isang oras.

5.   Makalipas ang isang oras at malapit ng matuyuan ng tubig ang baka sa pagpapakulo. Ay idagdag naman ang 2.5 tasa ng mainit na tubig sa baka bago pa ito matuyuan ng tubig

6.  Pakuluin muli at kapag malapit ng lumambot ang karne, ay  ay saka naman idagdag ang toyo at ang brown sugar. Haluin itong maigi at pakuluin pa ng karagdagang 30 minutos.

Note: Ang ibang parte ng baka ay mas matagal palambutin kesa sa breakfast steak. Karniwan lumalambot ang baka sa kabuuang dalawang oras sa pagpapalambot.

7.   Huling ng idagdag ang cornstarch slurry, ilagay para lumapot ang sabaw. Pakuluin sa mababang apoy at haluin. Tikman ang sauce at timplahan ang lasa ng naayon sa gustong alat.

8. Maari na itong isalin sa serving bowl, at budburan din ng tinadtad na spring onions sa ibabaw. Then pair and serve it with hot steamed rice na may toasted garlic at sabaw ng baka. You now have the Beef Pares meal.

Happy cooking and enjoy!

Suggested Menu

BEEF PARES (TAGALOG VERSION)
Beef Pares, Mixed Veggies with Squid Balls, Corn and Crab Soup

You may also try our new recipe:

Thank you for dropping by our website! Please subscribe to our daily recipe notifications.

Don’t forget to Pin us to PINTEREST. You can comment your question there and we’ll be glad to answer your question or feedback about the recipe.

The star ratings are for those who tried to cook our recipe. Kindly rate back the recipe if you tried it and you’re satisfied.

Thanks a lot for supporting our website and help other friends discover great recipes.

Source
Photos are © copyright to Mama’s Guide Recipes