Budget Meal · Filipino Recipe · Lutong Bahay (Tagalog Version)

KAMOTE NUGGETS

Loading...

KAMOTE NUGGETS

Ingredients:

1/4 kamote

5 piso na kalabasa

5 pisong malunggay

30 pesos na chicken breast (giniling or tadtarin sa maliliit)

1 sibuyas

Paminta

Asin

Harina ( or chicken breading mix para mas lasang chicken)

Bread crumbs

Itlog

PROCEDURE:

1. Balatan ang kamote at kalabasa. Hiwain ng maliit na pacubes. Pagkatapos ilaga ang kalabasa at kamote hanggang sa lumambot ang mga ito. 

2. Ang malunggay ay ihiwalay ng paglaga, kailangang ilaga para lumambot at mawala ang konting pagkapait. 

3. Ibabad sa asin ang chicken breast na tinatadtad ng maliliit.

4.Tignan kung malambot na ang mga ito. Salain para matanggal ang tubig. Ilipat sa isang bowl para i-mash ang mga ito para magmukhang giniling. Isama na din ang malunggay.

5. Isama na din sa pag smash ang chicken breast para mapino at halong halo ang mga sangkap. Lagyan na ng asin at paminta para sa panlasa.

6. Kailangan parang clay ang texture ng pagsmash sa mga ito para sa pagmold ng maliliit. 

7. Ihanda ang itlog, ilagay sa isang lalagyanan. Maghanda din ng harina sa isang lalagyanan at maghanda na din ng bread crumbs sa isang lalagyanan.

8. Lagyan ng harina ang kamay pagtapos Magmold ng pabilog sa kamay, make sure na manipis para maluto talaga ang manok na hinalo sa kamote’t kalabasa. Pagtapos i-dip sa itlog, pag nabalutan na ng itlog ang minold na kamote nuggets ay i-idip ulit sa bread crumbs, itlog ang nagsisilbing pandikit para sa bread crumbs.

9. Ulitin ang proseso hanggang maubos ang naihandang kamote nuggets.

8. Ilagay muna sa ref kahit mga 30mins para tumigas at kumapit ng husto ang mga ito. Masyado po kasi siyang malambot dahil sa kalabasa, pero pwede kahit walang kalabasa kung ayaw mong mahirapan sa pagmold. 🙂 nasa iyo na ang desisyon.

9. After 30mins, mag init na ng mantika sa kawali, make sure na super init na tapos lutuin lang siya sa low fire para maluto ng husto ang hilaw na manok na hinalo sa kamote nuggets. Bawal ang malakas na apoy dahil manipis lang ito at baka masunog.

Pwede siyang isawsaw sa kahit anong sawsawan. bahala na po kayo sa panlasa niyo.

Credits: Princess Morales