Filipino Native Food · Kakanin

EASY BIKO RECIPE

Easy Biko Recipe

This Biko Recipe is definitely Pinoy! Very easy procedure and quick to cook. This recipe is in Tagalog version too. Isang tray po ang nagawa ko dto na kasya for 8 persons para sa pang himagas. Ansarap sarap nya po. Happy cooking!

EASY BIKO RECIPE

SANGKAP:

  • 4 cups glutinous rice or malagkit na bigas (pang takal ng bigas ang gamit)
  • 2 cups brown sugar (maari rin ang muscovado sugar para mas dark brown ang kulay ng biko)
  • 1 can (400ml) coconut milk or cream
  • Kurot ng asin
  • 3 tbsp coconut oil from latik (butter or margarine)
  • 4 ½ cups tubig (para sa malagkit rice/using pangtakal ng bigas)
  • Para sa Latik:
  • 1 can coconut cream/milk (I used Jolly Coconut Cream in can 400ml)
  • Notes: Ang pangsukat na ginamit ay US standard measuring cup except lamang sa tinakal na bigas at tubig nito.

PARAAN NG PAGLULUTO:

  1. Gawin ang latik: Pakuluan ang isang lata ng coconut cream sa kawali gamit ang mababang apoy hanggang sa matuyo ang gata at magmantika. Kayurin sa gilid ang mga latak ng coconut milk, upang hindi masunog ang latik. Kapag nagmamantika na, ay lalabas na ang latik ng coconut. Salain ito at ihiwalay ang latik. Gamitin ang oil sa pang grease ng lalagyan at pang garnish or added flavor sa sinukmani. Isantabi muna.
  2. Ihanda ang tray na paglalagyan ng biko or serving pan. Pahiran ang buong paligid ng coconut oil na galing sa latik. Isantabi muna.
  3. Gumamit ng isang malaking kaldero or pot. Magtakal ng apat na gatang ng malagkit rice sa gamit ang pang takal ng bigas tuwing magsasaing. Hugasan ang malagkit rice ng dalawang beses at saka lagyan ng tubig na apat na takal at kalahati gamit ang pang takal ng bigas. 
  4. Lutuin ang malagkit rice kagaya ng procedure sa pagsasaing. Pakuluan at takpan ang kaldero, antayin kumulo at saka hinaan ang apoy. Ngunit ito ay dapat halu-haluin paminsan minsan upang hindi manikit sa iyong kaldero at maiwasan ang pagkasunog sa ilalim. Lutuin ito sa mababang apoy lamang habang niluluto naman ang coconut mixture.
  5. Paraan sa pagluto ng coconut mixture: Samantala, sa isang kawali ibuhos ang coconut milk at hayaan itong kumulo. Idagdag ang asukal at haluin ito hanggang sa matunaw. Lagyan ng konting kurot ng asin. Haluin ito hangang sa kumulo at medyo lumapot.
  6. Kapag malapit ng matuyuan ng tubig ang malagkit rice na niluluto sa kabilang kalan ay saka ibuhos ang pinakukuluang na coconut mixture sa nilulutong kaldero ng malagkit rice. 
  7. Haluin ito ng maigi, Haluin ng haluin hanggang umaangat na sa kaldero ang malagkit rice tuwing hinahalo at sinipsip na lahat nito ang coconut mixture. Haluing maigi bago patayin ang apoy.
  8. Isalin ito sa hinandang tray at pantayin ang ang pagkakalapat. Hiwain ng pahalang at hiwain ulit ng opposite na pahalang upang makabuo ng diamond slice. Budburan ng latik ang gitna ng bawat diamond shape. Serve and enjoy!

YOU MAY ALSO TRY OUR: