Lutong Bahay (Tagalog Version)

Bistek Tagalog

Loading...
Simpleng lutong bahay na super daling iluto. Subukan and napaka sarap na Bistek Tagalog!

Bistek Tagalog Recipe

INGREDIENTS:

1 kilogram beef sirloin, hiniwa ng manipis
1/2 cup mantika
2 pcs sibuyas
20 pcs maliliit na kalamansi
1 cup toyo
1 ½ tablespoon asukal
2 tablespoon dahon ng sibuyas, tinadtad
Asin at Paminta

INSTRUCTIONS:

  1. I-marinate ang beef sirloin sa kalamansi, toyo at paminta sa loob ng 30 minuto at itabi.
  2. Sa isang kawali ay magpainit ng mantika gamit ang mataas na apoy at saka iprito ang karne hanggang sa maging kulay brown.
  3. Idagdag ang pinagbabaran or marinate sauce at pakuluin ito hanggang sa maluto ang baka.
  4. Timplahan ng asukal, asin at paminta ng ayon sa panlasa.
  5. Lagyan ng hiniwang pabilog na sibuyas sa ibabaw ang bistek tagalog, budburan ng dahon ng sibuyas para mas sumarap. Maari na po itong ihain. Enjoy!

You may also try our: