Chicken Recipes · Lutong Bahay (Tagalog Version)

Easy Chicken A La King 

Loading...
Easy Chicken A La King 
Super easy lutuin ang Easy Chicken ala King mga momshies. Patok na patok ang ulam na ito sa mga bata at kay mister. Try it today. Happy cooking!

Easy Chicken A La King

MGA SANGKAP:

¾ kilo petso ng manok (diced)
2 pirasong sibuyas, hiniwa
½ tasang mushrooms
1 ½ bell pepper
6 kutsarang butter or mantikilya
9 kutsarang harina
2 tasang sabaw ng manok broth (chicken broth /broth cubes) 
1 tasang evaporated milk
2 kutsarang mantikilya (pang-gisa) 

PARAAN:

Para sa White Sauce:

1. Mag-patunaw ng 6 kutsarang mantikilya sa mainit na kawali. 

2. Idagdag ang harina, haluin ng haluin hanggang magbuo-buo (or lumapot) kasama ng butter sa loob ng 2-3 minuto. 

3. Kapag medyo naluto na ang harina, ay idagdag na ang chicken broth. Pakuluin ito. 

4. Idagdag naman ang gatas. Gumamit lamang ng high-medium na apoy at hayaang kumulo at lumapot ng bahagya. 

5. Haluin maigi hanggang sa gumanda ang texture ng sauce sa loob ng 5-10 minuto. 

6. Kapag na achieve na ang nais na lapot ng sauce ay patayin na kaagad ang apoy. Isantabi. 

Para sa Manok:

7. Sa isang kawali ay magtunaw ulit ng 2 kutsarang mantikilya gamit ang mahinang apoy. Igisa ang sibuyas at mushrooms. 

8. Sumunod na ilagay ang manok at hayaan maluto sa katamtamang apoy hanggang maging brownish ng bahagya. 

9. Idagdag ang bell pepper at white sauce. 

10. Patayin ang apoy at isalin sa serving platter. 

11. Serve and enjoy!

You may also try our: