Beef Recipes · Lutong Bahay (Daily Menu) · Soups

Bulalong Batangas

Loading...
Bulalong Batangas

Bulalong Batangas, simple lamang lutuin pero ang sarap. Tara at magluto ng bulalo ng mga taga Batangas. Ala e!

BULALONG BATANGAS

Sangkap:

1.5 kilo beef bulalo, cut into segments with the marrow secured with butcher’s twine
2 pcs red onion
½ cup onion leeks, chopped
salt and pepper corns
1.5 liters water
½  pechay Baguio
3 fresh young corn, chopped
3 pcs potatoes, peeled & quartered
2 tbsp spring onions, chopped
1 beef broth cubes (optional)

Paraan:

1. Sa isang malalim na kaldero, ilagay ang beef bulalo, mais, sibuyas, leeks, asin, pamintang buo at takpan/buhusan ng tubig. Maari din lagyan ito ng beef broth cubes pandagdag lasa.

2. Pakuluin ito sa mataas na apoy at hinaan kapag kumulo na. Tanggalin ang namumuong scum o halagap sa ibabaw ng tubig.

3. Takpan at simmer sa pinaka-mababang heat hanggang lumambot ang karne ng baka ngunit hindi naman natatanggal sa buto nito. Maari din naman 3 or more hours para malasang malasa ito.

4. Idagdag naman ang petchay, patatas at spring onions sa huling part ng pagluluto. Basta unahin lamang ang patatas. 

5. Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa. Katulad ng patis, asin at paminta.

Serve hot and enjoy!

You may also try our:

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •