This is the Classic Pinoy Hotcakes recipe you are looking for.. Our favorite merienda and breakfast with margarine and sugar garnish paired with a hot coffee. Happy cooking!
Bakit nga ba ang Hotcakes ng pinoy ay madilaw ang kulay? Ito ay dahil sa margarine. Mas nakasanayan ng pinoy ang hotcakes na pinahiran ng maraming star margarine sa ibabaw nuong unang panahon at binubudburan ito ng asukal sa ibabaw. Yummmy!
Pinoy Hotcakes
SANGKAP:
2 cups flour
2 tbsp sugar
3 tbsp baking powder
1 ½ cup evaporated milk (or water
pinch of salt
2 tbsp melted margarine, adds yellowish color to batter (tunawin sa kawali) (or use yellow food coloring)
2 eggs
Garnish:
sugar and margarine
PARAAN NG PAGLULUTO:
Sa isang bowl pagsamahin ang mga sangkap maliban sa garnish. Haluin itong hangang sa walang ng pamumuo at isantabi. (Huwag pasobrahan ng halo, katamtaman lamang para fluffy sya).
Sa isang kawali or non stick pan, pahiran ito ng kaunting mantika at painitin sa mababang apoy.
Ilagay ang isang scoop hotcake mixture at lutuin sa low heat hanggang pwede nang baligtarin (kapag may mga bubbles na sa ibabaw).
Ilagay sa serving plate ang nailuto at magluto ulet ng panibagong hotcake.
Pahiran ng maraming margarine sa ibabaw para dumilaw ang kulay at budburan ng asukal. Serve and enjoy!
Cooking Tips:
Maari din ilagay sa ref ang batter after haluin upang mas maging fluffy ang hotcake.
Maari din gumamit ng powdered milk at i-timpla ito sa tubig kung walang evap.
Kung may honey, maple syrup, cheese whiz, keso, peanut butter, jam, nutella ay maari din gamitin for garnish.
Pwede nyo din lagyan ng fresh fruits katulad ng ripe mango slices, banana, strawberries ang hotcakes upon serving.