Donuts

Doughnut Balls with Cheese Filling

Doughnut Balls with Cheese Filling
Try this simple kids meryenda in tagalog or Filipino cooking instructions. Super sarap na at madali pang gawin, gustong gusto ng mga bata! Enjoy and happy cooking!

Doughnut Balls with Cheese Filling

INGREDIENTS:

500 grams all purpose flour (or 4 cups)
1 ½ tsp baking powder 
1 tsp salt 
1 cup skim milk (or milk powder) 
1 can small evap
200 ml water (lukewarm)
2 tsp yeast (Saf or Eagle Brand)
¼ cup sugar (any sugar)
1 tsp vanilla 
1 cup butter or margarine, softened 
2 whole eggs, paghiwalayin ang yolks sa white
Small Eden cheese, cubed (any processed cheese)
Powdered Sugar (or just sugar)

INSTRUCTIONS:

1. Activate the yeast. Ilagay ang 2 tsp yeast sa 200ml maligamgam na tubig (make sure hindi mainit para mag-bubbles) then add ¼ cup sugar and stir until well dissolved. Set aside.

2. Sift all dry ingredients, unahin ang flour, baking powder, skim milk at 1 tsp salt. Haluin mabuti using electric hand mixer. (kahit whisker pwede rin) 

3. Add the softened butter. Haluin ulit at ilagay and beaten egg yolks. Isantabi. 

4. Para sa Egg white: i-beat sa hiwalay na bowl gamit ang electric mixer hanggang sa maging soft peak. At saka ito i-fold kasama ng dry ingredients. 

5. Maari ng ilagay ang yeast. Unti unti ibuhos ang activated yeast at ang small evaporated milk na may vanilla. (sa evap na rin po i-mix ang 1 tsp vanilla bago ibuhos sa mixture). 

6. Handa na po ito para masahin upang maging dough. Kung medyo malagkit pa, ay budburan lamang ng kaunting flour hanggang maging soft and elastic. 

7. Isantabi po muna at ilagay sa bowl. Hayaan itong mag-rest ng isang oras. Cover with clean cloth or plastic wrap sa ibabaw. 

8. After one hour, kuhain ang dough at i-punch ito sa ibabaw upang matangal ang hangin ng dough. Masahin at ikorte ng pahaba or log shape, slice ang log ng tag 1 inch at gumamit ng rolling pin upang makagawa ng pabilog na hugis. Ilagay sa gitna ang cheese at i-seal ito hangang sa makabuo ng maliit na bola. Seal it.

9. Ilagay sa tray ang binilog na dough na may cheese filling. Let it rest ulet until mag double ang size ng balls. Make sure na may space in between sa bawat balls para hindi magdikit dikit. 

10. Deep Frying: Ihanda ang kawali. Lagyan ng maraming mantika (mga dalawang bilog na bote) Siguraduhing mainit na ang mantika bago ito i-deep fry. By batch lamang po ang pag prito ng balls. Hanguin kapag golden brown na ito. 

11. Tangalin sa mantika at patuluin maigi. Isalin sa bowl na may paper towels. 

12. Roll into powdered sugar or regular sugar. Serve hot and enjoy!

You may also try our: