Filipino Native Food · Filipino Recipe · Lutong Bahay (Daily Menu)

Kulawong Puso ng Saging

Kulawong Puso ng Saging
Ang Kulawo or Kulawong Puso ng Saging ay isang recipe na nagmula sa Bayan ng San Pablo, Laguna, at ibat ibang version mula sa batangas at bicol. Ang Kulawo ay isang salita na ang ibig sabihin ay “Kinilaw sa Gata”.
Alam niyo ba na ang pagkain ng kulawo ay maihahalintulad sa pagkain ng smoked bacon at napakasarap nito. Dahil ang kakang gata na ginamit ay tinusta muna bago pigaan. Kaya nagkakaron ito ng lasang smokey flavor at healthy pa dahil gulay ang sangkap nito. 
Bukod sa puso ng saging ay maari din itong palitan ng ibang sangkap na gulay. Maari din ang talong kung walang puso ng saging, o maari din gumamit ng bulaklak ng saging. 
Kung talagang nais matikman ito, maari din itong dayuhin upang matikman or mag take out (after ECQ and GCQ) sa Sulyap Gallery Cafe Botique, Hotel and Restaurant at Cocoland Compound, Barangay, San Pablo City, 4000 Laguna

Kulawong Puso ng Saging 

MGA SANGKAP:

1 pirasong puso ng saging (300g)
2 bao ng kinayod na niyog
1 sibuyas na pula, hiniwa
3 kutsara ng suka
1 kutsaritang paminta
Asin, pampalasa

Dekorasyon/Garnish:
½ cup inihaw na liempo for toppings
1 sibuyas na pula, sliced in rings
1 dahon ng sibuyas, grated

Gagamitin sa pagluto:
1-2 pirasong nagbabagang uling

PARAAN NG PAGLULUTO:

Para sa Niyog:

1. Tustahin ang kinayod na niyog gamit ang nagbabagang uling sa isang mangkok or gamit ang bao ng niyog. 

2. Ilagay lang ito mismo sa ibabaw ng niyog, iikot ng bahagya at kapag medyo brownish na ang mga niyog ay patayin ang baga gamit ang kaunting suka. Tanggalin ang uling.

3. Takpan ang mangkok ng ilang saglit upang magkaron ng smokey effect ang tinusta na niyog.

4. Magkatas ng 2 tasang fresh kakang gata mula sa tinustang niyog. (gamitin ang first and second piga). Isantabi muna. 

Para sa Puso ng Saging:

5. Balatan ang puso ng saging hanggang makuha ang pinaka ubod nito. 

6. Hiwain ng pino. Ibabad sa asin ng ilang minuto at lamasin hanggang sa mawala ang dagta. Hugasan maigi at pigain muli hanggang sa matanggal ang tubig. 

Pagluluto:

7. Sa isang pan, ilagay ang pina-usukang kakang gata. Lagyan ng isang kutsaritang paminta powder. Haluin ng haluin upang hindi mamuo at pakuluin ito. 

8. Idagdag ang puso ng saging at hayaan itong maluto sa loob ng 7-10 minuto. Haluin lamang maigi upang hindi mamuo ang gata. 

9. Ilagay ang hiniwang pulang sibuyas, at saka ilagay ang tatlong kutsara ng suka sa ibabaw ng sibuyas (para malutong ang sibuyas). 

10. Hayaan maluto maigi ang puso ng saging at kapag malapot na ang sabaw at maari na itong timplahan ng asin na naayon sa iyong panlasa. 

11. Patayin ang apoy at isalin ito sa serving plate na nilagyan ng inihaw na liempo or pritong isda at nilagyan ng fresh sliced onion rings, at ginayat na dahon ng sibuyas sa ibabaw bilang garnish. Happy cooking!

You may also try our: