Lutong Bahay (Tagalog Version) · Pancit

Special Pancit Canton

Loading...
Special Pancit Canton Recipe
Nais mo bang magluto ng Pancit Canton para sa isang simpleng okasyon. Try mo itong special pancit canton with tokwa, veggies and liempo. Super sarap at pinalasa ng oyster sauce.
Update: I added an English version of this recipe upon a request from one follower. Happy Cooking!

Special Pancit Canton

MGA SANGKAP:

2 kutsarang mantika
6 butil ng bawang (tinadtad)
1 pirasong puting sibuyas (hiniwa ng manipis)
¼ kilong liempo (hiniwa ng pahaba)
1 tasang oyster sauce
2 kutsarang toyo
1 pirasong medium sized repolyo (hiniwa ng maninipis)
1 pirasong carrots (hiniwa ng pahaba)
⅛ kilong baguio beans, (hiniwa ng pa-slant) 
1 pirasong bell pepper (hiniwa ng pahaba)
1 pirasong cauliflower, hiniwa ng maliliit
½ kilong pancit canton noodles
5 tasang tubig
Asin
2 blocks tokwa/tofu

PARAAN NG PAGLULUTO:

1. Sa isang maliit kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maging golden brown. Tanggalin sa mantika at hiwain ng pahaba. Isantabi

2. Sa isang malaking pan, igisa ang maraming bawang. Ilagay ang hiniwang liempo at hinaan ang apoy. 

3. Halu haluin ito at Idagdag ang oyster sauce. Hayaan manuot ang sauce sa karne. 

4. At saka naman idagdag ang tubig, pakuluin lamang ito hanggang sa lumambot ang karne at maluto. 

5. Maari ng ilagay ang pancit canton noodles at timplahan ito ng soy sauce. 

6. Isunod na ang mga gulay katulad ng carrots, cauliflower at baguio beans. Haluin lamang hanggang sa maluto. 

7. Huling ilagay ang repolyo, bell pepper at sibuyas kapag malapit ng maluto ang lahat ng sangkap. 

8. Timplahan ng asin o patis ng ayon sa iyong panlasa. Idagdag na rin ang pritong tokwa. 

Serve and enjoy!

English Version:

Special Pancit Canton

INGREDIENTS:

2 tbsp oil
6 cloves garlic, minced 
1 onion, sliced thinly 
¼ kg pork liempo, chopped in ½ inch strips 
1 cup oyster sauce
2 tbsp soy sauce 
1 medium size cabbage, sliced thinly
1 medium carrot, julienned
⅛ kilong baguio beans, (sliced in slant) 
1 bell pepper, strips
1 cauliflower, chopped 
½ kg pancit canton noodles
5 cups water
Salt and pepper
2 blocks tokwa/tofu

INSTRUCTIONS:

1. In a small pan, fry tokwa in oil until it becomes golden brown. Drain from oil and slice into strips. Set aside. 

2. In a large pan, heat oil to saute lots of garlic. Add sliced liempo and adjust heat to low. Stir and then add oyster sauce. Let the meat absorb the sauce. 

3. And then add water, bring it to a boil and simmer over low heat until the meat becomes tender and cooked through. 

4. Once the pork is cooked, add the pancit canton noodles and season it with soy sauce. Followed by the veggies like carrots, cauliflower and Baguio beans. Mix it well until the veggies are crisp and half cooked. 

5. Five minutes before the other veggies are cooked, add the cabbage, bell pepper and onions in the last part of the cooking.

6. Season it with salt and patis to taste. Lastly, add in the sliced tokwa. Serve and enjoy! 

You may also try our: