Adobo Recipes · Budget Meal · Lutong Bahay (Daily Menu) · Seafood

Adobong Pusit Recipe (Tagalog Version)

Adobong Pusit Recipe (Tagalog Version)

ADOBONG PUSIT RECIPE

INGREDIENTS:

  • ½ kilo Pusit, linisin itabi ang ink ng pusit
  • 4 tbsp toyo
  • 4 tbsp suka
  • 1 tsp. paminta durog
  • 1 tsp. sugar
  • 2 dahong laurel
  • 1 ulo ng bawang, tinadtad
  • 1 sibuyas, hiwain
  • 1 cup tubig
  • 1 piraso ng siling berde (sili pangsigang)

INSTRUCTIONS:

  1. Igisa ang bawang sibuyas, ilagay ang pusit. Isama ang ink ng pusit. I-sangkutsa mabuti. Timplahan ng toyo paminta konting asin. Sabawan ng 1 cup water.
  2. Pag kumulo na, idagdag ang dahong laurel at suka wag haluin. Timplahan ng sugar para may konting tamis hayaang kumulo.
  3. Pag konti na ang sabaw idagdag ang siling haba. Pag-nagsarsa na ay takpan. Maari na itong hanguin sa apoy.
  4. Tandaan: Wag patagalin ang pag- papakulo sa pusit para maiwasang tumigas or kumunat ang pusit. Karaniwan ay 3 minuto lamang ay luto na ang pusit at super lambot na nya.
  5. Maari ka rin mag-dagdag ng sotanghon kung nais mo or i-garnish ng tinadtad na siling haba or fresh green bell pepper sa ibabaw.
  6. Pwede na itong ihain habang mainit pa. Enjoy!

Cooking Tips:

You need more ink to get a dark black sauce, you may buy a big batch of squid and divide into half. The other half becomes squid rings thus you can save the “ink sac” and use it for your adobong pusit.

YOU MAY ALSO TRY OUR: