
Super easy gawin at sundan sa Tagalog version instructions sa pag-luluto ng Puto. Masarap gawin sa handaan tuwing may occasion (potluck, birthday, binyag at kasalan). Swak na swak pa sa budget.
Yield 20-30 pcs
Easy Puto Recipe (Tagalog procedure)
INGREDIENTS:
- 4 cups cake flour
- 2 Tablespoon baking powder
- 2 cups white sugar
- 1 ½ cup Fresh Milk
- 2 cups water
- 4 egg whites
- ½ cup Canola Oil or melted unsalted Butter
- 1 ½ Tablespoon Vanilla flavoring
- 1-2 drops Gel food coloring (yellow)
- Large Puto cups/molder
INSTRUCTIONS:
- Gamit ang isang mixing bowl at nilagyan ng strainer, ay isalin at salain ang mga dry ingredients at haluin ito (cake flour, sugar, baking powder).
- Pagkatapos ay idagdag naman ang wet ingredients sa dry ingredients (milk, water, vanilla flavoring, oil and egg whites). Haluin itong maigi hanggang wala ng buo buo. (Mag-ingat lamang sa over mixing dahil maaring ikasira ito ng iyong batter kapag nasobrahan sa halo at hindi na ito aalsa).
- Lagyan na ito ng gel food color, at maingat na ihalong maigi ang pangkulay. Kung nais naman ng assorted color ay maghanda ng karagdagang bowl, at idivide ang mga batter at saka lagyan ng iba’t ibang kulay ang bawat bowl. Maari din lagyan ng ibat ibang flavor ang bawat kulay na napili.
- Kapag ok na, hayaan mag-rest and batter ng 15-20 minutes. Para mag activate ang baking powder sa harina at maging maalsa ang iyong mga puto.
- Maari mo ng ihanda ang steamer at pakuluin ito. Lagyan ng grease ang mga puto molds. At pagkatapos, ay maaari mo ng isalin sa mga puto molds ang batter.
- Steam sa kumukulong tubig for about 20 minutes gamit ang MEDIUM heat. Takpan ng katsa sa ibabaw para hindi matuluan ng tubig at saka takpan maigi ang steamer.
- Notes: Buksan lamang ang steamer kapag tamang oras na. Ingatan mabasa ang ibabaw ng puto, upang mapanatiling fluffy at mabukadkad ang puto.
- Pagkatapos ng 20 minutes, ay maaari ng buksan ang steamer, gamit ang toothpick ay icheck kung luto na ito sa gitna. Kapag malinis ang gilid ng toothpick at walang dumikit ay luto na ang iyong puto.
- Tanggalin sa steamer ang mga cups at i-set aside muna ng 5 minutes upang lumamig ng bahagya. At saka na ito i-unmold sa lalagyan. Happy cooking and enjoy!